^

PSN Opinyon

Pagbawas ng timbang

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang buwan, ginunita ang ika-14 na anibersaryo ng pagkamatay ng aking ina, dahil sa mga kumplikasyong dulot ng colorectal cancer. Kaya nang mabasa ko ang isang artikulo sa internet, naalala ko ang aking ina. Hindi dapat isina-santabi o hindi bigyan ng pansin ang pamamayat, o pagbawas ng timbang. Sa madaling salita, kung pumapayat na hindi naman regular na nag-e­ehersisyo, at malakas namang kumain, dapat magpatingin sa doktor. Mas lalo na kung may ibang sintomas na kasabay, tulad ng dugo sa pagdudumi, o dugo sa plema. Ang ihi na kulay tsaa ay maaaring indikasyon din ng problema. Ayon sa kahulugan ng “unexplained weight loss”, ito ang pagbawas ng timbang nang hindi sinasadya, lalo na kung tuluy-tuloy.

May pagsusuri sa United Kingdom na ang hindi sinasadyang pagbawas ng timbang ay maaaring indikasyon ng mga uri ng kanser – colorectal, pancreatic, gastro-oesophageal, ovarian, lung, renal tract, myeloma, non-Hodgkin’s lymphoma, biliary tree at prostate. Mga seryosong kundis­yon ito na hindi dapat pinababayaan. Sa totoo lang, ito nga ang unang napapansin ng ibang tao. Kapag pumapayat ka, mas napapansin ng ibang tao kaysa sa iyo. Kapag may pumansin sa inyo na pumapayat kayo, at alam naman ninyong walang dahilan, magpatingin na kaagad sa doktor. Kung walang makita, mabuti. Kung meron man, mabuti na ang makita nang maaga. Iyan naman ang mahalaga sa paglaban sa kanser, maagang makita.

May sukatan ang Mayo Clinic. Kapag nawala ang limang porsiyento ng iyong alam na timbang sa loob ng anim hanggang 12 buwan, baka may problema. Sa mas matatanda, baka mas konting porsiyento pa nga sa mas maiksing panahon. Madalas ay ang ating katawan mismo ang sumisigaw na ng saklolo, pero hindi natin napapansin. Kapag may nakapansin na tila mabilis kang pumapayat, imbestigahan mo na. Maraming sintomas at indikasyon ang makakatulong sa paggamot ng sakit, kung magiging mapagmasid lamang. Kung uso naman ang selfie ngayon, mas dapat mauso ang pagmasid sa sariling katawan.  

vuukle comment

COLORECTAL CANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with