^

PSN Opinyon

Sabihin ang niloloob, loobin ang sinasabi

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANANG psychologists, 18% lang ng mga tao ang naggigiit ng kanilang saloobin. Sila ang mga tinuturing na sanay sa away, palasigaw, palamura, at masakit magsalita. Wa­lumpu’t dalawang porsiyento ang kimi, umiiwas sa gusot, nangingimi sa usapan, at kinikimkim ang saloobin. Bakit ba napakahirap sabihin ang niloloob, at loobin ang sinasabi? Nakagawian kasi ng lipunan na maging “mabait” imbis na pranka. Kaya madalas huli na bago natin masabi ang ating saloobin o masabihan nito. Ito ang pitong paraan ng pagsabi at pagloob:

(1) Kapag magpapaabot ng negatibong feedback, tiyakin ang pakay. Nais mo ba ipabatid lang ito o baguhin ang kausap? Sabihing “May ipapaabot ako sa iyo na baka sakali ipagbago ng palagay mo sa....”

(2) Humingi ng permiso at siguruhing tamang oras magpaabot ng feedback. Ipaalam na may ipapaabot ka, at ihanda siya sa diskusyon.

(3) Maging objective at makatotohanan. Iwasan ang paligoy-ligoy at mapaghusgang pananalita. Sabihin, halimbawa, “Nakakabalisa ang galit mo kaninang kumakain; meron sigurong ibang paraan ng pag....”

(4) Aminin ang sariling iniisip at damdamin. Sabihing, “Ewan ko kung nakakasakit ang sinabi mo kaninang hapunan; pero nakakabalisa na sumisigaw ka; hirap akong kumain kung galit ka.”

(5) Kapag merong sasabihin na inaasahan mong maka­kasakit ng damdamin, mali na ba ito? Hindi mo sagutin kung paano tatanggapin ang salita mo, pero sagutin mo ang paraan at buod nito.

(6) Pagtiyagaang alamin ang perspektiba at pananaw ng kausap. Kung minsan mainam magtanong at pasalitain imbis na turuan siya.

(7) Sikaping tandaan na 82% ng tao ay hindi kinala­kihan ang pagiging bukas at diretso sa paraang nakakatulong at hindi nakakasakit. Hindi ito gaanong natututunan sa bahay o eskuwela. Basta galingan mo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SALOOBIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with