^

PSN Opinyon

Alcala, nagbabanta pa sa whistleblowers

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAGBABANTA si Agriculture Sec. Proceso Alcala na ihahabla ang mga nandadawit sa kanya sa cartel ng supply at pagmahal ng bawang nu’ng Marso-Hunyo. ‘Yan ang epekto ng pagligtas ni Justice Sec. Leila de Lima sa kanya sa kasong graft, na isinampa laban sa 127 agri-bureaucrats at importers ng bawang. Yumayabang siya na balikan pa ang mga testigo na kasapakat siya ng cartel.

Dati nang asal ni Alcala mambaliktad. Nu’ng sumisipa ang presyo ng bawang, binisto ni matagal nang trader Lilybeth Valenzuela ang pagbibingi-bingihan ni Alcala sa mga angal laban sa price fixers. Agad niyang binansagang smuggler si Valenzuela, at ang “pakawala” nitong mga mamamahayag ang nagbalita ng mga sinumpaang salaysay niya.

Binansagan din ni Alcala na “bayaran ng smugglers” ang mga mamamahayag na umungkat ng umano’y overpricing niya ng P7-bilyong imports at cargo handling ng bigas mula Vietnam nu’ng 2013-2014. Kamala-mala mo, batay mismo sa records ng National Food Authority kung saan chairman si Alcala, na ilang ulit niyang pinahintulutang mag-import si notorious rice smuggler Davidson Bangayan alias David Tan.

Balik sa garlic racket. Sumumpa rin si Valenzuela na ilang ulit siya sinabihan ni noo’y-Bureau of Plant Industry director Clarito Barron na si Alcala mismo ang pumipili ng bibigyan ng garlic import clearance. Mula 2010 hanggang 2014, mahigit P200 milyon ang kinikil ng BPI mula sa importers. Nag-isyu ito ng 3,652 permits, sa lagay na P60,000 bawat isa; 2,469 permits ang napunta sa umano’y cartel ni Lilia alias Leah Cruz.

Sa lahat ng ‘yan, pagbabanta ang sagot ni Alcala. Matapang siya dahil malapit kay President Noynoy Aquino at national treasurer pa ng naghaharing Liberal Party. Kaya, lagot ang mga nagsasabi ng totoo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

AGRICULTURE SEC

ALCALA

BUREAU OF PLANT INDUSTRY

CLARITO BARRON

DAVID TAN

DAVIDSON BANGAYAN

JUSTICE SEC

LEAH CRUZ

LIBERAL PARTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with