^

PSN Opinyon

Sirang ngipin at sakit sa puso

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ALAM ba ninyo na ang sirang ngipin ay puwedeng magdulot ng sakit sa puso? Oo, tunay po iyan. Dalawang klaseng sakit sa puso ang puwedeng makuha kapag hindi tayo nagsisipilyo:

1. Impeksyon sa balbula ng puso – Ang tawag sa sakit na ito ay Infective Endocarditis, kung saan pinapasok ng bacteria ang balbula sa puso (heart valve). Delikado po iyan. Ganito ang nangyari kay Jeffrey, edad 14, na laging may sira ang ngipin. Dahil dito, nagkaimpeksiyon tuloy ang kanyang puso. Dahil nasira na ang balbula sa puso, nanga­ngailangan siya ngayon ng operasyon para mapalitan ito.

2. Bara sa ugat ng puso – Ang tawag dito ay coronary artery disease, kung saan nagbabara ang ugat sa puso. Puwede itong magdulot ng pananakit sa dibdib at heart attack. Ayon sa pagsusuri, ang mga taong may namamagang gilagid (gums) ay puwedeng magkaroon din ng sakit sa puso (heart attack) at stroke. Ito’y dahil ang impeksiyon sa bibig ay puwedeng kumalat sa ating dugo at magdulot ng pagbabago sa ating immune system. Dahil dito, namamaga din ang ugat sa puso. Matindi talaga ang mga impeksyon sa bibig.

Paano pananatilihing malinis ang bibig?

1. Magsipilyo 3 beses sa isang araw. Ang bawat parte ng ngipin ay dapat i-brush ng 10-15 na beses. Magtagal ng 2 minuto sa iyong pagsisipilyo. Huwag magmadali.

2. Gumamit ng tongue cleaner o panlinis ng dila. Maraming bacteria ang puwedeng manatili sa ating dila na nagdudulot ng bad breath. Matatanggal lang ito sa pamamagitan ng tongue cleaner.

3. Gumamit ng dental floss araw-araw. Ito iyung sinulid na panlinis sa pagitan ng ngipin. May kamahalan pero ito lang ang tanging paraan para matanggal ang dumi sa pagitan ng ating ngipin.

Ayon kay Dr. Mehmet Oz, ang expert doctor ni Oprah Winfrey, ang hindi pagsisipilyo ay puwedeng makabawas ng 3 taon sa ating buhay. Magsipilyo, mag-tongue cleaner at mag-floss. Iwas sakit sa puso at iwas bad breath. Good luck po!

vuukle comment

AYON

DAHIL

DR. MEHMET OZ

GUMAMIT

INFECTIVE ENDOCARDITIS

LEFT

PUSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with