^

PSN Opinyon

Pruweba kontra Binay nililigaw ng militarista

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TUMATALAS na ang imbestigasyon sa umano’y tagong yaman ni Vice President Jojo Binay. Hindi na sumasandal si Sen. Alan Peter Cayetano, bilang pangunahing umuusig, sa sali-salita lang ng kaaway ni Binay sa pulitika o sa retrato na ipapahiwatig kahit ano’ng naisin. Naglahad na siya -- dapat lang -- ng mga dokumento, na pinalilinaw ng mga saksi, ng umano’y pag-aari ni Binay sa hacienda sa Batangas. Makakapaghusga ang madla kung ang rehistradong bumili ay totoong may-ari ng lupain, o matatas na dummy lang ni Binay. Importante ang husga ng madla sa usaping legal na ito; kasi, nagbabalak mag-Presidente ni Binay, at mag-VP ni Cayetano.

Kabaliktaran lahat ito sa asal ng militaristang senador, nagnanasa rin mag-VP. Hindi naglalahad ng katibayan ang militaristang ito, kundi akusasyon lang ng katiwalian ni Binay. Palibhasa militar na makitid ang utak, sapat na sa kanya ang paratang para ikulong si Binay. Basta sinabi niya, tama na, sa kanyang kakila-kilabot na pananaw sa usaping legal. Nu’ng huling Senate hearing hindi niya tinantanan ang umano’y dummy ni Binay kung bakit kinakanya ang hacienda gay’ung hindi pa niya ito bayad. Ayaw niya ang paliwanag na para itong bumili ng kotse, na kinakanya ang unit gay’ung hinuhulugan pa sa banko.

Dahil sa militaristang senador, maaalala ang mga sun-dalong torturers ni Diktador Marcos nu’ng martial law. Binubugbog, ginagahasa, kinukuryente nila ang mga bihag para umamin sa pagiging Komunista. “Huwag ka magkaila, Komunista ka, sabi ko nang Komunista ka,” sinisinghal nila habang nagpapahirap. “Hindi po ako Komunista, katunayan anti-Communist po ako,” hikbi ng pinahihirapan. “Ah basta, kahit ano’ng klaseng Komunista ka, Komunista ka pa rin,” hiyaw ng torturers, sabay lalong nagpapahirap.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

AYAW

BATANGAS

BINAY

BINUBUGBOG

CAYETANO

DIKTADOR MARCOS

KOMUNISTA

VICE PRESIDENT JOJO BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with