^

PSN Opinyon

‘Komisyon’ at ‘suhol’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ANUMANG wala sa Saligang Batas, maituturing uncons­titutional o ilegal.

Sinasadya kong paulit-ulit na tinatalakay ito sa aking programang BITAG Live maging sa kolum na ito para maintindihan ni Juan at Juana Dela Cruz ang mga kaganapan sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Kailangang lubos na maunawaan ng publiko kung ano ang pinag-ugatan nito at kung sino ang nagpasimula hanggang sa pagpapamudmud ng P1.107 bilyong piso sa 20 senador.

Mahalagang seryosohin ang isyung ito. Baka kasi sa dami ng mga naglalabasang anggulo at istorya, malibang ang publiko at lilipas nalang ito ng wala tayong natututunan.

Inihalintulad ni Supreme Court Associate Justice Arturo Brion ang DAP na mas masahol pa sa PDAF.

Kung ang PDAF ay P10 bilyon lang, ang DAP na sinasabing “pork barrel” ng Palasyo ay “15 times” ang halaga o P150 bilyon.

Ayon kay Brion, ito ay walang pakundangan at paggalang sa “pagwaldas” ng pondo ng bayan, kawalang-galang sa nire-representang konstitusyon ng mga sangkot na matataas na opisyal sa pamahalaan at kawalang respeto sa Saligang Batas.

Wala sa Saligang Batas ang DAP na nilikha ni Budget and Management Secretary Butch Abad kaya idineklara ito ng Korte Suprema na ilegal.

Subalit, ang sinasabi ng Malakanyang, taumbayan naman daw ang nakinabang sa DAP. Hindi sila hihingi ng paumanhin o despensa dahil napasigla naman daw nito ang mga lokal na ekonomiya sa bawat rehiyon ng mga senador na “naambunan” ng milyones.

Hindi naniniwala si Justice Brion sa ikinakatwiran ni Sec. Abad na hindi niya alam na ilegal ang paglikha niya ng DAP dahil may karanasan at may alam ito sa Konstitusyon.

 Si Abad ay 12 taong nagsilbi sa Kongreso at naging chairman pa ng House Appropriations Committee noong siya ay kongresista pa lang. Kaya napakadali sa kaniya na makita na ang kaniyang ginawang DAP ay labag sa Saligang Batas.

 Hindi ito basta umusbong nalang na parang kabute at hindi pinag-aralang mabuti ng may utak nito.

 Kaugnay ng pagkakadeklarang ilegal sa DAP, ikinakasa naman ngayon ng ilang mga amuyong ng administrasyon ang pag-iimbestiga sa Judiciary Development Fund (JDF) o ang “pork barrel” ng Hudikatura.

 Dahil alam ng mga kongresista na wala na sila makukuhang “komisyon” at “suhol” sa PDAF at DAP at hindi na sila magiging patron sa kanilang mga probinsya, gusto naman nilang gantihan ngayon ang Korte Suprema.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan

tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

BUDGET AND MANAGEMENT SECRETARY BUTCH ABAD

DAP

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE

KORTE SUPREMA

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with