^

PSN Opinyon

Sobrang parusa kay Igan Arnold

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang nakapuna sa katoto nating si Arnold Cla­vio ng GMA-7 nang kapanayamin niya sa kanyang programang Unang Hirit kamakailan ang isang abogado tungkol sa kaso ni Janet Lim Napoles.

Tinanong ni Clavio si Atty. Alfredo Villamor sa isyu nang pagpapalit ng abogado ni Napoles pero nang hindi siya nakuntento sa sagot ay nagsabi siyang “wala pala akong makukuha sa iyo eh bakit kailangan kitang interbyuhin” or something to that effect.

Balita ko’y sineminar ng MTRCB ang buong production staff ng Unang Hirit hinggil sa ethics na dapat sundin. Walang malaswa o bastos na sinabi si Clavio sa aking pananaw. Ito’y bahagi ng karapatan ng lahat ng tao na magpahayag ng damdamin lalu pa sa isang napapanahong isyu na may kinalaman sa pork barrel scam. Isa pa, lahat ng Pilipino (puwera yung mga sangkot sa pork scam) ay interesadong malaman ang mas malalim na impormasyon sa issue na ito.

Sa kabila niyan ay may kababaang loob na inamin ito ni Clavio ang pagkakamali at humingi ng tawad kung medyo naging “brusko” ang dating niya.

Sabi ni NPC President Benny Antiporda kung nagkamali si Clavio ay nagkamali rin ang MTRCB sa pagpaparusa sa kanya. Para daw “martial law” ang dating ng aksyon ng MTRCB na sumisikil sa karapatang magpahayag.

Kung meron man daw dapat dumisiplina kay Clavio, hindi MTRCB kundi ang GMA-7. 

Regulatory lamang ang papel ng MTRCB at sa pagpapataw ng parusa kay Clavio, para sinasaklaw na nito ang superbisyon sa TV anchor. “Ang kalayaan sa pagpapahayag ay ginagarantiyahan ng Article 3 of the 1987 Constitution,” paliwanag ni Antiporda.

Ang tanong ng NPC sa MTRCB, ito kayang parusang ipinataw kay Clavio ay walang koneksyon sa sinasabing “payola money” ni Janet Lim-Napoles para mapagtakpan ang usapin?

Ayaw ko ring isipin na ang ganyang saction kanino mang media practitioner ay isang pahiwatig na dapat lubayan ng media ang ano mang usapin tungkol sa pork barrel at kay Napoles at ilang matataas na opisyal na sangkot dito. Ibig lamang ni Clavio na makakalap ng impormasyon para lalung magliwanag ang usaping ito na ang mga stakeholders ay mamamayang Pilipino.

vuukle comment

ALFREDO VILLAMOR

ARNOLD CLA

CLAVIO

JANET LIM NAPOLES

JANET LIM-NAPOLES

NAPOLES

PILIPINO

PRESIDENT BENNY ANTIPORDA

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with