Pechay: My favorite gulay
Kaibigan, mahilig ka ba sa gulay? O mga karne ang gusto mo?
Maraming benepisyo ang gulay:
1. Para kumpleto sa bitamina – Ilan sa mga masustansyang gulay ay ang broccoli, cauliflower, kangkong, pechay, ampalaya, malunggay, spinach, talong, okra at talbos ng kamote.
2. Panlaban sa sakit - Ang gulay ay maganda ring panlaban sa sakit tulad ng sakit sa puso, high blood pressure, diabetes, at sakit sa tiyan.
3. Makaiiwas sa kanser – Ayon sa pagsusuri, ang pagkain ng sapat na gulay at prutas araw-araw ay makababawas sa pagkakaroon ng kanser ng 3 to 10%.
4. Para maging regular ang pagdumi – Mataas ito sa fiber na parang nagsisilbing walis na lumilinis sa ating bituka. Bawasan ang pagkain ng karne at taba na kulang sa fiber.
5. Panlaban sa stress – Ang gulay ay mataas sa vitamin B, na makatutulong sa ating ugat (nerves) at makababawas sa stress.
Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas bawat araw.
- Latest



















