^

PSN Opinyon

EDITORYAL - PNP, inutil sa riding-in-tandem

Pilipino Star Ngayon

WALANG magawa ang Philippine National Police (PNP) sa riding-in-tandem. Sobrang bangis na nila! Walang patawad kung pumatay. Sinisigurado nilang patay ang target. Ang ibang biktima ng tandem, nilalapitan pa at binabaril para masigurong patay na. Gaya nang ginawang pagpatay sa isang police inspector sa Bgy. Pansol, Quezon City noong nakaraang Lunes. Sinundan ng tandem ang police officer at nang makakita ng tiyempo, niratrat ito. Tinadtad ng bala ang SUV at hindi pa nasiyahan, nilapitan ang pulis na nakabulagta at niratrat uli. Matagal bago nakaresponde ang mga pulis. Ni alikabok ng tandem ay walang nalanghap ang mga dumating na pulis. Kapwa pulis pa naman nila ang pinatimbuwang!

Hanggang ngayon, hindi pa nahuhuli ang mga kriminal. Blanko ang QC police sa pagpatay. Umano’y may kaugnayan sa droga ang dahilan ng pagpatay. Marami umanong nakabangga ang biktima mula nang pamunuan ang drug enforcement unit ng NPD.

Noon namang Miyerkules ng hapon, isang retiradong pulis ang pinagbabaril din ng tandem sa Bgy. Pinyahan, Quezon City. Nakaupo umano ang biktima sa harap ng isang insurance office kung saan isa itong liaison officer. Matapos ang pamamaril agad na tumakas ang tandem. Hindi nakuha ang plate number ng motorsiklo. Walang mapagkilanlan sa mga suspect na pawang naka-helmet. Blanko rin ang pulisya sa krimen.

Mula nang pumasok ang “ber” months, walang patlang ang nangyayaring krimen na ang may gawa ay riding-in-tandem. Mabagal ang PNP sapagkat wala ni isa mang tandem na nahuhuli makaraang mang-ambus at pumatay. Pinagmamalaki ng PNP na mayroon silang motorcycle cop o mga SWAT na umiikot sa mga lansangan para maprotektahan ang mamamayan. Pero nasaan ang mga ito at hindi masagupa ang riding-in-tandem na marami nang nabibiktima. Kawawa naman ang mamamayan na hindi tiyak ang kaligtasan.

 

vuukle comment

BGY

BLANKO

GAYA

HANGGANG

KAPWA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

TANDEM

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with