^

PSN Opinyon

VK at fruit game machines, kumpiskado sa Las Piñas!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

KUMPIRMADO na may nakalatag na video karera sa southern­ Metro Manila. Ito ay matapos makaaresto ng apat katao at makakumpiska ng isang video karera at dalawang fruit game machines ang Las Piñas City police sa isinagawang ope­rasyon nitong Linggo. Tsk tsk tsk! Wala palang binisa itong “no take policy” ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng­” Nartatez laban sa illegal gambling, no mga kosa? O pinipili lang ni Nartatez ang kakataluhin n’ya? ‘Ika nga, mga small time financiers lang ang pinapahirapan n’ya? Kasi nga naman, itong Las Piñas City ay pugad o balwarte nina Sen. Cynthia Villar at anak na si Sen. Mark Villar kaya’t hindi masupilsupil ni Nartatez ang nakalatag na video ka­rera? Sanamagan! Ang sakit sa bangs nito!

Umaksiyon kaagad si SPD director Brig. Gen. Leon Victor Rosete at iniutos ang pagsalakay sa mga video karera­ ni alyas Alan P. matapos mabulgar sa Dipuga na may naka­­latag na makina sa siyudad ni Mayor Imelda Aguilar, na kamag-anak ng mga Villar. Sa pamumuno ni PEMS Erwin Sabbun, ng Station Intelligence Section ng Las Piñas City police, nasakote sina Roger Calixto, 58; Andrea Dimayuga, 47; Edelberto Mendoza, 46, at Vevencio Sursuna, 38, sa Basa Village, Bgy. Zapote ng bandang 11:15 p.m. Nakum­piska sa kanila ang dalawang fruit games at isang video karera machine na may sticker na “Tiger.” Itong sticker mga kosa ang pagkakilanlan kung sino ang may-ari ng makina. Kilala kaya ni Col. Sandro Tafalla, ang hepe ng Las Piñas police, ang may-ari ng sticker na “Tiger” sa makina? T’yak ‘yun! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Itinuturo ng mga kosa ko si alyas Esmer na s’yang nanga­ngasiwa ng makina ni Alan P. sa Las Piñas samantalang ang kausap naman sa opisina ni Mayor Aguilar ay si alyas Papa John, na isang retired cop. Tsk tsk tsk! Nada­damay si Mayor Aguilar sa video karera na open secret­ namang mga adik lang ang mga parukyano. Kapag tumaas ang bilang ng kriminalidad sa siyudad, ang dapat sisihin ay sina Mayor Aguilar at Col. Tafalla dahil nagmaang-maangan sila sa video karera ni Alan P., di ba mga kosa? Eh di wow! Kung sabagay, hindi naman mangangahas maglatag ng kanyang makina itong si Alan P. kung wala s’yang “timbre” sa mga kapulisan. Mismooooo!

Panay raid nitong R2 at RSOG ng NCRPO laban sa illegal gambling mula maupo si Nartatez sa NCRPO siyam na buwan na ang nakaraan subalit nakapagtataka kung bakit nakaligtas sa kanila ang video karera sa Las Piñas City. Tsk tsk tsk! Pinipili talaga ng R2 at RSOG ng kakataluhin nilang gambling financiers. Itong video karera kaya ni alyas PJ sa Parañaque City, bulag, pipi at bingi rin ang R2 at RSOG? Dipugaaaaa! Siyempre, hindi kayang tibagin ng R2 at RSOG ang VK ni JP dahil lagot sila kay Col. Melvin Montante, ang hepe ng Parañaque police, na intel officer ni Nartatez noong PRO4A director pa s’ya. Eh di wow! Teka, totoo kayang binaklas na ni PJ ang mga makina n’ya sa Parañaque? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dapat ibalik ni Nartatez ang sobrang higpit na pagpa­tupad n’ya ng “no take policy” sa mga DDs at COPs, na hilo na sa kaiisip ng diskarte kung paano pondonan ang kampanya nila laban sa droga at kriminalidad dahil kinakapos ang MOEE nila. Mismooooo! At panahon na rin para magsibak si Nartatez ng mga COPs na hindi sumusunod sa kautusan n’ya. Sal-it! Tsaka, dapat walang pinipili itong kampanya ni Nartatez para  malinis ang Metro Manila ng illegal gambling nang sa gayon tumaya ang mga Pinoy sa palaro ng PCSO. Abangan!-

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with