^

PSN Opinyon

Susunod ba tayo sa fishing ban?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGPATUPAD ng apat na buwang pagbabawal sa pangi­ngisda ang China sa West Philippine Sea, pati na sa ba­haging sakop ng ating exclusive economic zone. Susunod ba tayo o hindi?

Ang fishing ban ay talagang ipinatutupad upang bigyan ng pagkakataon ang mga isda na magparami. Pero hindi lang naman China at Pilipinas ang nakikinabang sa yamang-dagat ng WPS kundi pati ang ibang kalapit na bansa.

Dapat sana, komo ang karagatan ay tradisyunal na pangisdaan nang maraming bansa, dapat ay may pakiki­pagkonsultasyon sa mga bansang nakikinabang dito.

Kunsabagay, mayroon man o walang ideklarang fishing­ ban, talaga namang itinataboy tayo ng mga Intsik tuwing napapadpad ang ating mga mangingisda sa WPS para mangisda. Iyan ang numero unong pinagkukunan ng kita ng ating mga fisherfolk.

Kung lalabag naman sa ban ang mga Pilipino, pihong pagmumulan lalo ito ng gulo. Malamang, arestuhin ang mga mangingisdang magpupumilit manghuli at ikalaboso.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with