^

PSN Opinyon

Cabinet secretary, kinasuhan sa Ombudsman dahil sa PDAF

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang kinasuhan sa Office of the Ombudsman ang isang Cabinet secretary dahil sa maanomalyang paggamit ng pork barrel noong siya ay kongresista pa?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Bro. Col. Joe Roncesvalles, Sr. Supt. Froilan Bonifacio, Sr. Supt. Lurimer Detran, Kennedy Tarriela, Atty. Ferdimar Garcia at Jack Cortez ng PDIC. Happy 24th anniversary sa Toyota Alabang Inc.

Alam n’yo bang kinasuhan na ang isang Cabinet secretary dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong siya ay kongresista pa mula June 2007 hanggang June 2010. 

Ayon sa aking bubwit, nagreklamo ang mga magsasaka sa distrito ni Secretary noong kongresista pa siya dahil ginamit ang kanilang pa­ngalan sa isang bogus livelihood project. Noong 2008, inilagay ni Secretary ang kanyang PDAF na P3.5 million sa isang proyekto ng Sir Pelagio Alcantara Development Foundation Inc. (SPADE) para raw sa Proyektong Lingap Kalinga para sa Kabuhayan ng mga Magsasaka ng Quezon. Ito ay para sana sa livelihood assistance para sa “poor and marginal farmer-families” ng 2nd district ng Quezon Province.

Ang 65 farmer-families ay pinalabas na binigyan at tumanggap ng P50,000 bawat isa bilang capital assistance project. Subalit sa katotohanan ay wala namang tinatanggap na pera ang mga magsasaka. Pineke pala ang kanilang mga pirma kaya napunta sa mga opisyal ng SPADE Foundation ang pondong dapat inilaan sa farmers. 

Ang ikinagagalit ngayon ng farmers ay hindi na nila pinakinabangan ang pondo mula sa pork barrel ni Congressman na ngayon ay secretary na, nagkaroon pa sila ng utang. Dahil sa nasabing anomalya, nagsampa sila ng kasong malversation of public funds through falsification of documents laban kay Claron Alcantara, presidente ng SPADE Foundation at kay dating congressman, ngayon ay Secretary P.A. as in Pedro Araro.

vuukle comment

AYON

CLARON ALCANTARA

FERDIMAR GARCIA

FROILAN BONIFACIO

JACK CORTEZ

JOE RONCESVALLES

KENNEDY TARRIELA

LURIMER DETRAN

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with