^

PSN Opinyon

Chinese sinakop pati mainland Zambales

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang Bajo de Masinloc (Panatag/Scarborough Shoal) ang inagaw ng China. Ilang taon na ang nakalipas mula nang salakayin nila ang mainland Zambales, 108 km sa silangan. Naghahari roon ang mga Chinese. Pinapayagan sila ng mga makabagong Makapili -- mga tiwaling local government officials.

Sa bayan ng Sta. Cruz, Zambales, nagmimina ng nickel ang tatlong dambuhalang Chinese companies: Jiangxi Rare Earth & Metals Tungsten Group, Wei-Wei Group, at Nihao Mineral Resources International Inc. Nagtayo sila roon ng limang “maliliit na minahan” sa ilalim ng People’s Small Scale Mining Act of 1991.

Pinapatag nila ang kabundukan sa paghakot ng libo-libong tonelada ng nickel ore araw-araw. Sinuhulan nila ang local officials -- sa kapitolyo, munisipyo, at barangay -- para payagan silang kalbuhin ang gubat, patayin ang ilog, at dumihan ang hangin at dagat. Pati mga karatig na bayan ng Masinloc, Zambales, at Infanta, Pangasinan ay apektado.

Lima kunwari ang “small-scale mines,” pero iisa ang kanilang pantalan. Ibig sabihin, iisang operation lang sila. Mula sa pantalan, dinadala ang nickel ore sa China, kung saan ginagamit ito sa mga armas, sasakyang pandigma, at hi-tech equipment para lalong isabotahe ang Pilipinas at pasukuin ang bansa sa militar at ekonomiyang Chinese.

Dahil sa walang pakundangan na pagmimina ng Chinese, kulay putik na ang dating asul na tubig-dagat. Ang air pollution ay 2,000 micrograms suspended particulates -- 22 ulit na malala kaysa katanggap-tanggap na 90 micrograms. Kaya sa mga baryo ng Sta. Cruz, 4,500 hanggang 8,500 kada 100,000 populasyon ang bagong nagkakasakit sa baga taun-taon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

vuukle comment

BAJO

CRUZ

JIANGXI RARE EARTH

MASINLOC

METALS TUNGSTEN GROUP

NIHAO MINERAL RESOURCES INTERNATIONAL INC

SCARBOROUGH SHOAL

SMALL SCALE MINING ACT

WEI-WEI GROUP

ZAMBALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with