^

PSN Opinyon

Ang Espiritu Santo sa Araw ng Kalayaan

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYON ay kapistahan ng Pentekostes, ang pagbaba ng Espiritu Santo. Ngayon din ipinagdiriwang ang ika-113 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan. Kaya patuloy tayong magpasalamat sa Espiritu Santo sa Kanyang Liwanag at sa Kalayaan mula sa pang-aalipin ng mga dayuhan. Tanungin din natin ang ating sarili kung meron na bang tunay na kalayaan at kapayapaan sa pamamalakad ng ating kapwa Pilipino sa pamahalaan at simbahan?

Sa unang pagbasa ay nakarinig ang mga taga-sunod ni Hesukristo ng isang ugong mula sa langit na animo’y hagunot ng malakas na hangin at nakita nilang wari’y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. Nagsimula silang magsalita ng iba’t ibang wika. Ang araw na ito ang katuparan ng pangako ni Hesukristo bago Siya umakyat sa bahay ng Kanyang Ama: “Tandaan ninyo: Susuguin Ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya’t huwag kayong aalis sa lungsod hanggang hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihan mula sa itaas” (Lukas 24:49).

Sa muling pagkabuhay ni Hesukristo ay sinimulan Niya ang pagbati ng “Sumainyo ang Kapayapaan”. Ipinakita Niya ang Kanyang mga palad at tagiliran bilang tanda ng Kanyang pagsagip sa atin. Muli Niyang binati ang mga alagad ng Sumainyo ang Kapayapaan at hiningahan sila at sinabi: “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.” Idinagdag pa Niya ang tagubilin, na sa pagpapatawad ng kasalanan ay pinatawad na nga, subalit ang hindi patawarin ay hindi pinatatawad. Ang kapayapaan ay regalo ng Panginoon. Tanggapin muna natin ang kapayapaan ni Hesukristo na magdudulot sa atin ng liwanag upang tayo ay magpatawad.

Ang Espiritu Santo ang katuparan ng Kanyang pamamaalam. Sinabi Niya “ipadadala ko sa inyo ang Espiritu Santo”. Ito ang kabuuan ng mga aral at pangako sa atin ni Hesukristo. Ang Ama ang lumikha sa atin na nagbibigay sa atin ng biyaya. Si Hesukristo ay nagkatawang tao, nangaral, nagpasan ng Krus at nag-alay ng buhay para sa atin. Ngayon na­man ay nadarama natin ang Espiritu Santo sa pang araw-araw nating buhay. Siya ang nagbibigay sa atin ng Liwanag ng isipan at patuloy na nagbibigay ng Kanyang Kapayapaan!

Gawa 2:1-11; Salmo 103; 1Cor 12:3b-7, 12-13 at Jn 20:19-23

ANG AMA ANG ESPIRITU SANTO ATIN ESPIRITU SANTO HESUKRISTO IPINAKITA NIYA KALAYAAN KANYANG KANYANG AMA KANYANG KAPAYAPAAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with