^

PSN Opinyon

Mamang pulis, iwas pulis!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

AYOKO na sanang magsulat ukol sa mga kasamaan ng mga pulis. Pero paano mo naman hindi pupunahin ang ginagawa ng ilang mga kriminal na naka-uniporme diyan! Katulad ng pulis Pasig na naglabas ng baril, nagtawag ng SWAT na back-up, dahil lamang sinita ng mga guwardiya sa maling parking ng kanyang sasakyan. Ayon sa pulis na mayabang, una raw siyang tinutukan ng mga guwardiya kaya naglabas siya ng kanyang Armalite at nagtawag ng SWAT. Ito na pala ang trabaho ng SWAT. Kaya huwag na tayong magtaka kung may mga kapalpakang nagaganap kapag tunay na hostage crisis na! Pero ayon sa CCTV kung saan nakunan ang insidente, walang panunutok na ginawa ng sinumang guwardiya sa pulis. Sinita lang talaga dahil nakaparada sa maling lugar.

Power trip lang talaga ang nangyari rito. Tingin ni Senior Inspector Oscar Magsibang – dapat siguro mayabang ang pangalan – siya ang diyos sa Ortigas Center na dapat sinasamba at binibigyan ng lahat ng klaseng pagpugay, kasama na ang makaparada sa kahit anong lugar. Kita sa video na hindi siya nakauniporme, kaya sinita kaagad ng mga sekyu. Sabihin na nating maa-ngas yung mga sekyu sa pulis. Dapat nagpakilala siya ng maayos at nakiusap na lang, kung opisyal na trabaho naman ang gagawin ni Magsibang. Pero umiral ang pagka-diyos, kaya nilabas ang Armalite at nagtawag ng SWAT! Diyan napupunta ang pera ng Pasig. Sa mga ganyang pulis at sa mga ganyang SWAT!

Kung hindi nakuhanan ng video ang insiden-te, sigurado walang mangyayari sa pulis dahil wala namang pulis na aamin sa tunay na naganap. Ilang shootout na ang naganap sa bansa kung saan una raw tinutukan ang mga pulis, kaya pinaulanan ng bala? Pero dahil may video, dahil nakuhanan na arogante talaga at wala namang nanutok, sisante siya ngayon. Inutos ni NCRPO chief Nicanor Bartolome na dis-armahan at suspindihin si Magsibang. Pero hanggang diyan na lang ba? Ilang pulis sa PNP ang may ganyang ugali? Pang-aabuso talaga ng otoridad ang ginawa ni Magsibang. Mataas ang posisyon sa Pasig PNP, kaya ganyan na lang kung umasta sa mga ordinaryong mamamayan.

At isa lang iyan sa mga masasamang pulis na naglalabasan. Ang laki pa naman ng inaasahan ko kay Bartolome para linisin ang PNP, pero wala na yatang pag-asa luminis ang mga miyembro at imahe ng PNP.

vuukle comment

ARMALITE

ILANG

MAGSIBANG

NICANOR BARTOLOME

ORTIGAS CENTER

PASIG

PERO

PULIS

SENIOR INSPECTOR OSCAR MAGSIBANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with