^

PSN Opinyon

'Reyna ng kadiliman'

- Roy Señeres -

TATLONG biktima ni Congresswoman Gloria Arroyo ang nagkasama sa isang pulong kailan lang upang ilahad ang kanilang mga susunod na gagawin. Sinasabi ko na mga biktima sila ni Arroyo, dahil lahat sila ay nadaya o di kaya nadiskaril dahil sa mga masasamang gawain ng dating pekeng presidente.

Kasama sa kanila si Among Ed Panlilio, na malinaw na nadaya sa kanyang pagtakbo muli bilang governor sa Pampanga. Mahirap sabihin na si Arroyo mismo ang pasimuno ng pandaraya laban sa kanya, ngunit iyan ang paniwala ng karamihan na nasa landas ng katotohanan. Sabi ni Among, babalik siya sa kaparian, ngunit itutuloy pa rin niya ang paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsama sa mga advocacy groups.

 Kasama rin sa kanila si Colonel Ariel Querubin, na ngayon ay nakalaya na pagkatapos ng higit sa apat na taon na pagkabilanggo. Malinaw na wala naman siyang kasalanan maliban sa pagpanig sa katotohanan. Kumampi siya sa tama, kaya lang nakabangga niya ang ‘‘reyna ng kadiliman’’, kaya siya pinag-initan.

 Kasama rin sa kanila si Attorney Koko Pimentel, na malinaw na nadaya din sa kanyang pagtakbo bilang senador, dahil kalaban niya sa huling puwesto ang kakampi ng ‘‘reyna ng kadiliman’’. Mahirap din sabihin na si Arroyo mismo ang dahilan sa pagkatalo ni Koko, ngunit malinaw na siya ang nakinabang sa nangyari.

 Nagdusa na ang nasabing tatlong biktima, ngunit marami pa ring naging kampon ng ‘‘reyna ng kadiliman’’ ang hindi pa naparusahan, ang iba ni hindi pa nakasuhan. Sana sa pagkabuo ng Truth Commission, hindi lamang lalabas ang katotohanan, magkaroon din sana ng wastong kaparusahan.

vuukle comment

AMONG ED PANLILIO

ATTORNEY KOKO PIMENTEL

COLONEL ARIEL QUERUBIN

CONGRESSWOMAN GLORIA ARROYO

KASAMA

KUMAMPI

LSQUO

MAHIRAP

MALINAW

TRUTH COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with