^

PSN Opinyon

'Guro sa Tanay, rumesbak sa kanyang biktima!'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAHAHARAP ngayon sa matinding pagsubok ang dalagang taga-Tanay, Rizal na biktima ng sex scandal.

Ito ‘yung tinrabaho ng BITAG noong 2009 kung saan naging kasintahan ng biktima ang kanyang guro sa Tanay National High School.

Subalit matapos niyang makipaghiwalay dito ay ku-malat sa friendster ang kaniyang mga hubad na larawan.

Lumabas din ang mga litrato kung saan akto siyang nakikipagtalik sa gurong si Ernesto Bernabeo III subalit muka lamang ng biktima ang makikita.

Personal na tinungo ng BITAG ang Tanay National High School upang alamin kung ano ang naging aksiyon ng eskuwelahan matapos ng nangyari sa dalaga.

Subalit tila walang kaalam-alam ang principal noon ng eskuwelahan at ang nakakalungkot, hanggang ngayon ay nagtuturo pa rin ang inirereklamong guro na si Bernabeo sa nasabing paaralan.

Sinubukan rin ng BITAG na kausapin ang inirerekla­mong guro upang sagutin ang reklamong ibinabato sa kanya ng dating kasintahang estudyante at ngayo’y kanyang biktima.

Nagtago ito, simula sa eskuwelahan na aming bina­balik-balikan, hanggang sa bahay niya na dinatnan na-ming ikinandado pa.

Isang taon ang lumipas, nakarating sa aming kaalaman na niresbakan ni Bernabeo ang biktima.

Sinampahan niya ng kasong serious slander at libel ang kaniyang estudyante at ang ina nito.

Ang masakit dito, nalabasan agad ng warrant of arrest ang mag-ina at kung hindi pa sila agad na nakapag-piyansa, malamang hanggang ngayon ay nasa kulungan pa ang dalawa.

Opisyal na binubuhay muli ng BITAG ang kasong ito. Hindi namin estilo na iwanan ang isang kaso hangga’t hindi ito natatapos.

Lalo ngayon na may batas nang magpaparusa sa sinumang nagpapakalat ng malalaswang video at pictures ng kanilang mga dating karelasyon upang masira ito.

Susubukan ng BITAG ang pangil ng bagong batas na Cyberboso Bill na nilikha at naipasa ni Buhay Party List Representative Irwin Tieng.

vuukle comment

BERNABEO

BUHAY PARTY LIST REPRESENTATIVE IRWIN TIENG

CYBERBOSO BILL

ERNESTO BERNABEO

ISANG

LUMABAS

NAGTAGO

SUBALIT

TANAY NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with