^

PSN Opinyon

Miyembro't estilo ng Budol-Bugol Gang, kilalanin!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MARAMI ang nahihiwagaan sa katauhan ng mga nasa likod ng modus na Budol-Budol.

Ayon sa ilan, mayroon itong kapangyarihan ng hip­notismo dahil napapasunod nito ang taong bibiktimahin na ibigay ang pera’t alahas o mahahalagang bagay.

Subalit isa itong kalokohan dahil ang puntirya ng mga grupong nagsasagawa ng modus ng Budol-Budol, silawin at kasakiman ng kanilang biktima sa malaking pera.

Isang miyembro ng budol-budol ang lumapit sa BITAG upang ibulgar ang kanilang sistema ng panggagantso.

Isa-isa niyang binalatan at ipinakilala ang bawat miyembro at papel nito sa grupo tuwing sila’y may ope­rasyon.

Maituturing na small time ang kanilang grupo ng budul-budol dahil ang kanilang area of operation, sa lansangan sa Metro Manila at mga kalapit probinsiya tulad ng Bulacan, Pampanga, Batangas at Laguna.

Ang kanilang pangunahing target sa biktima ay ang cellphone, alahas at wallet nito. Magkakapatid at mag­pipinsan ang miyembro ng grupong ito ng Budol-Budol na nasundan ng BITAG.

Ang mga tauhan, nagsisimula sa nagngangalang Warren ang lider ng grupo. Si Warren din ang nagsisilbing spotter kung saan habang nasa sasakyan, siya ang pipili ng magiging biktima na naglalakad sa kalsadang kanilang popostehan.

Oras na may maispatan, baba na si Idang, main player ng grupo. Tinawag na main player si Idang dahil siya ang unang lalapit sa itinuro ni Warren.

Ang kaniyang entrada, magtatanong sa tao ng pina­kamalapit na bangko. Dala-dala ni Idang ang isang bag na may lamang pera subalit budol lamang.

Ang ibig sabihin ng bu­dol ay tunay na pera sa iba­baw subalit sa gitna at ila­lim ay mga ginupit-gupit na papel o diyaryo. Sa unang pakita sa biktima habang nasa loob     ng bag, aakalain mong bundle-bundle na pera nga ito.

Dito na papasok sa ek­se­na si Dyna bilang back-up ni Idang. Kunwari’y hindi sila magkakilala ni Idang at sasali sa usapan ng sus­pek at bik­ tima.

Magpapanggap na doon lamang nakatira sa lugar na iyon at magtuturo pa ito ng bahay para paniwalain ang biktima. Ang papel ni Dyna, sulsulan ang biktima na samahan nila si Idang na maghanap ng bangko.

Ang ibang miyembro at es­tilo ng pambibiktima ng budol-budol gang… aba­ngan sa susunod na labas ng kolum na ito.

May karugtong…

vuukle comment

AYON

BATANGAS

BUDOL

BUDOL-BUDOL

DYNA

IDANG

METRO MANILA

SHY

SI WARREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with