^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kulang pa rin sa kubeta ang public schools

-

Sa Lunes ay umpisa na ng klase. At isa na na­mang problema ng mga estudyante ay kung paano sila iihi o dudumi. Paano’y kulang na kulang pa rin sa kubeta ang may 43,000 na public schools sa bansa. Taun-taon ay problema ang pagkakaroon ng kubeta. Lubhang kaawa-awa ang mga estudyante sa elementary at high school sa pampublikong eskuwelahan sapagkat nagsisiksikan at nag-aaga­wan sila sa paggamit ng nag-iisang kubeta na sigu­ro’y napakarumi pa. Sobrang parusa na ang ganito sa mga bata.

Noong Lunes, nabanas si President Arroyo nang bumisita sa Geronimo Santiago Elementary School sa San Miguel, Manila. Naroon sa nasabing school si Mrs. Arroyo para pangunahan ang anti-influenza AH1N1 virus campaign. Pinahiran ni Mrs. Arroyo ng tissue paper ang kanyang mga kamay subalit nang itatapon na niya ang tissue, wala siyang nakitang basurahan sa paligid. Nataranta ang mga opisyal na nakapaligid sa Presidente sa paghahanap ng basurahan pero walang nakita. Sa halip gumawa na lamang ng basurahang carton ang mga opisyal. Sabi ni Mrs. Arroyo, gusto niya ay totoong basura-h­an ang makita niya sa school na iyon.

Kung alam lamang ni Mrs. Arroyo na maliit na problema lang ang kawalan ng basurahan sa mga school. Mas mababanas siguro siya kapag nalaman ang malaking kakulangan ng mga kubeta sa mga pampublikong eskuwelahan. Pinakamalala ang problema sa kubeta sa public schools sa ARMM kung saan 171 estudyante sa elementary ang guma­gamit sa isang kubeta at 250 namang estudyante sa high school ang gumagamit sa isang kubeta. Sa National Capital Region, 114 estudyante sa elementary ang nagtitiis sa iisang kubeta samantalang sa high school, 143 estudyante para sa isang kubeta.

Bukod sa kakulangan ng kubeta, wala ring sapat na malinis na tubig ang mga eskuwelahan para ma­gamit ng mga estudyante. Taun-taon ay problema ang ganito at pawang pangako ang pamahalaan lalo ang Department of Education.

Sabi ng DOH panatilihin ang paglilinis ng kamay kapag gumamit ng kubeta. Paano makapaglilinis ng kamay ang mga estudyante kung walang tubig sa mga kubeta. Kapag hindi pa nasolusyunan ang pro­blemang ito, tiyak ang pagkalat ng virus gaya ng AH1N1. Kumilos sana ang DepEd sa problemang ito at hindi pawang salita lamang.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

ESTUDYANTE

GERONIMO SANTIAGO ELEMENTARY SCHOOL

KUBETA

MRS. ARROYO

NOONG LUNES

PAANO

PRESIDENT ARROYO

SA LUNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with