Republic Act 8485, hindi naipatutupad!
BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo () - April 20, 2009 - 12:00am

“AAMININ ko at tatanggapin ko, hindi tumatakbo ang komiteng ito at hindi nagpa – function sa ilalim ng itina­ talaga ng batas”, eto ang bungad sa BITAG ni Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Ito ay nang makipag-ugnayan ang BITAG sa kanyang tanggapan hinggil sa batas na Republic Act 8485 o Animal Welfare Act.

Bunsod ito ng ginawang imbestigasyon ng BITAG, sa sunod-sunod at laganap na labanan ng kabayo o horse fighting sa iba’t-ibang probinsiya sa Mindanao.

Bawal ito, ayon na mismo sa batas at kay Sen. Escu­dero, ang chairman ng Committee on Animal Welfare subalit nangyayari at ang masahol pa dito ginawa pang kapritso ng mga sabungero’t sugarol.

Ayon sa R.A 98485, Section 6, ipinagbabawal sa ban-sa ang anumang uri ng kalupitan sa hayop, kasama rito ang dog at horse fighting.

Sa Section 6 number 1, nakasaad ang exception. Mali­ban na lamang kung ito ay gagawin sa ngalan ng tradisyon, kultura at usaping spirituwal subalit hindi palagiang gawain.

Eto ang ginawang dahilan at inabusong rason ng mga mapagsamantala ng mga nasa likod ng horse fighting. Magkakamal lamang ng limpak-limpak na salapi sa pus­tahang mapapanalunan.

At ang katotohanan, ang mga nasa likod nito, mismong mga opisyal ng lokal na pamahalaan o ng lugar na pagga­ganapan ng laban.

Ang siste, kasama ang lokal na pamahalaan sa ilalim ng Department of Interior and Local Government sa tinata­wag na Animal Welfare Committee, na siyang magpapa­tupad ng batas R.A 8485.

Kung ang partisipasyon sana ng nasa lokal na gob­yerno ay patigilin at hadla­ngan ang horse fighting, mas mapapakina­bangan   pa ng tao ang mga alaga nilang kabayo.

Subalit sila pa ang kun­sitidor dahil sa pag-iisyu ng permit sa mga organizer ng mga labanan ng kabayo at kadalasan pasimuno pa na kitang-kita ang kanilang   par­tisipasyon sa tayaan habang nagsasabong ang mga kawawang hayop.

Sabi nga ni Sen. Escu­dero, kung tutuusin, walang problema sa batas kundi sa mga nagpapatupad nito. Nagtuturuan kung sino ang dapat kumilos.

Kaya naman, babala ni Sen. Escudero, sisiyasatin niya ang kasalukuyang ba-tas, haharapin ang mga bu­mu­buo ng komite upang singilin ng harapan ang mga nagkulang at dapat ma­nagot!

ANIMAL WELFARE ANIMAL WELFARE ACT ANIMAL WELFARE COMMITTEE AYON DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT ESCU REPUBLIC ACT SA SECTION SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with