^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Saan patungo ang fertilizer fund scam?

-

KUNG gaano ang panggigigil at pagpupumilit noon ng Senado na mapagsalita si dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante sa P728-milyong fertilizer fund scam ngayon ay lumam­bot na sila at tila wala nang mangyayaring maganda pa para malaman ang katotohanan sa kontrobersiyal na kaso. Ang fertilizer fund scam ay maaaring mapa­bilang na sa mga kaso na ililibing sa limot. Katulad din ng iba pang kontrobersiyal na kasong pinatakaw lamang ang mamamayan. Pinaasa lamang na may opisyal na mananagot sa kanilang iniimbestigahang kaso na sa dakong huli ay wala naman pala.

Nang arestuhin si Bolante noong hatinggabi ng December 4 sa opisina ng kanyang abogado sa Ma­kati, tila gagawa nang malaking pangalan si Sen. Ri­chard Gordon. Siya ang matiyagang naghintay kay Bolante sa Senado para ilagak ito sa basement. Hinuli at kinulong si Bolante sa basement ng Sena­do dahil sa walang tigil na pagsisinungaling. Sabi pang mariin ni Gordon, mananatili sa pagkaka­ku­long sa Senado si Bolante hangga’t hindi ito nagsa­sabi ng totoo. Ang Malacañang naman ay nagsabing sa basement ng Senado na magseselebreyt ng Pasko si Bolante.

Halatang banas na si Gordon sa dating Agriculture official. Ang iba pang senador na banas na at nagsasawa na sa pagsisinungaling ni Bolante ay sina Senators Jinggoy Estrada at Mar Roxas.

Pero kamakalawa ay biglang nagbago ang ihip ng hangin at hindi na umabot ng Pasko sa basement ng Senado si Bolante. Malaya na siya. Sam­pung se­nador ang bumoto para palayain si Bolante. Kabi­lang sa mga bumoto para palayain si Bolante ay si Gordon, Estrada at Roxas. Nasaan na ang bangis ng kanilang dila at tila nagkabuhul-buhol na. Lu­mam­bot na sila at tila nagsawa na sa patuloy na pagta-ta­nong na pawang kasinungalingan lamang pala ang tinutugon. Kabilang pa sa mga bumoto ay sina Senators Enrile, Biazon, Revilla, Madrigal, Angara at Honasan.

Malaya na nga si Bolante at sa bahay niya siya magki-Christmas. Ang ginawa ng Senado ay isang malaking kamalian. Paano pa pagtitiwalaan ang Senado kung sila na rin mismo ang lumabag sa sarili nilang utos. Saan patungo ang fertilizer scam?

vuukle comment

ANG MALACA

ANGARA

BOLANTE

GORDON

MAR ROXAS

PASKO

SENADO

SENATORS ENRILE

SENATORS JINGGOY ESTRADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with