^

PSN Opinyon

Sige, Gen. Boysie Rosales ituloy mo pa!

- Bening Batuigas -

KARAMIHAN sa mga motorista na napapadaan sa kaha­baan ng United Nations Avenue, Ermita, Manila ay nama­mangha sa kanilang kakaibang nakikita. Ito ay sapagkat wala na halos trapik ang magkabilang kalye. Ipinag-utos kasi ni Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Roberto “Boysie” Rosales na hulihin ang mga driver na nagpaparada ng kanilang mga sasakyan, he-he-he!

Walang sinasanto ang mga tauhan ni Supt. Roberto dela Rosa, hepe ng MPD Traffic. Kahit sasakyan pa ng pulis ay hinahatak at dinadala sa impounding area sa Port Area.

Lalong lumuwa ang mga mata ng mga motorista ng kanilang makita ang mga bagong mobile car na naka­parada sa harapan ng MPD headquarters. Magiging mabilis na umano ang responde ng kapulisan sa panga­ngailangan ng Manilenyo.

Ang 60 bagong mobile cars ay bigay umano ni Manila Mayor Alfredo Lim  at ang 10 naman ay nai-donate ng Fede­ration of Filipino-Chinese Chamber of Commerce Inc., bilang tugon sa pangangailangan ng MPD. Sana mabig­yan din sila ng panggasolina at base radio upang magamit na sa pagpapatrolya. Di ba mga suki?

Paano nga naman magagamit ang mga bagong mobile car kung walang panggasolina. Ayon kay Supt. Bernardo Diaz, hepe ng District Mobile Force (DMF) nangangailangan sila nang humigit-kumulang 966 liters ng gasolina para sa 138 mobile cars araw-araw. Kung susumahin aabot sa P3-milyon isang buwan, he-he-he! Malaking halaga ito mga suki. At sa palagay ko, hindi ito matutustusan ni Rosales dahil kakarampot lamang ang budget ng MPD.

Ayon naman kay Rosales ng aking interbyuhin, nag-pledge na si President Gloria Macapagal-Arroyo ng P2-milyong pang-gasolina. Ngunit kulang pa ito ayon kay Rosales kaya nagbabakasali siyang lumapit  sa mga businessmen at mga pulitikong bukas ang mga palad sa pagtulong sa kapulisan ng Maynila. Hindi naman nabigo si Rosales ng personal na magtungo sa kanyang tang­gapan si Mr. Lee. chairman ng Filipino-Chinese Business Club at nagbigay ng 10 hand held radio bilang paunang biyaya, he-he-he!

Habang naghihintay si Rosales sa  biyayang ipagka­kaloob ng mga negosyante ay patuloy naman ang kan­yang pagpapagawa ng MPD Building. Pinag-aaralan din ni Rosales ang paggamit ng solar energy bilang alter­natibong pagmumulan ng enerhiya sa buong headquarters upang makatipid ng  milyong piso buwan-buwan.   Aba, pagnagkatotoo ang plano ni Rosales, malaki ang matitipid ng PNP. Di ba mga suki?

Unti-unting nagniningning ang gusali ng MPD sa partial renovation ni General Rosales at nabubuhay na ang imahe ng kapulisan. Talagang magaling si Rosales sa pagmintina ng kanyang teritoryo, he-he-he! Ipinakita lamang ni Rosales na kaya niyang ibalik ang masiglang anyo ng MPD matapos niyang palutangin ang mga tamad na pulis o yaong tinaguriang 15/30.

Abangan!

vuukle comment

AYON

BERNARDO DIAZ

MPD

ROSALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with