^

PSN Opinyon

Editoryal – Batas laban sa terorismo

-
ISA sa binigyang-diin sa ASEAN summit ay kung paano malalabanan ang terorismo sa Asia. Nagkaisa ang mga ASEAN leaders sa paglaban sa terorismo at agad na nilagdaan ang kasunduan sa counter terror kung saan madaling mapo-prosecute at mae-extradite ang terror suspects sa region.

Matibay na batas ang nalikha laban sa terorismo sa Asia at tinitiyak ng mga ASEAN leaders na ito na ang wakas ng mga naghahasik ng lagim hindi lamang sa Asia kundi na rin sa buong mundo. Ang pagsasagawa ng counter-terror convention ay dahil sa lumulubhang banta ng terorismo sa Asia. Panahon na para supilin ang mga "uhaw sa dugo". Ang banta ng terorismo ay nagsimulang bumulwak mula nang atakehin ng mga terorista ang United States noong Sept. 11, 2001. Iisa ang mga nasa isip ng ASEAN leaders, hindi dapat mangyari sa Asia ang nangyari sa US.

Ang kakatwa lamang, halos lahat ng bansa sa Asia ay mayroon nang mga sariling batas laban sa terorismo pero ang Pilipinas ay wala pa hanggang ngayon. Paano mabibigyan ng karagdagang ngipin ang binuong counter terrorism bill ng mga ASEAN leaders kung mayroon pang isang bansang walang sariling batas para malabanan ang terorismo. Mahirap ang ganitong sitwasyon, na kasapi ang Pilipinas sa pagdurog sa terorismo pero sa isang banda ay bahag din ang buntot sapagkat walang maibigay na tulong. Paano makatutulong kung marami ang nagpapahiwatig ng pagtutol sa Anti-Terrorism Bill? Kasalukuyang naka-pending sa Congress ang batas.

Patindi nang patindi ang pagsalakay ng mga terorista sa bansa at marami ang nagbubuwis ng buhay. Noong nakaraang linggo isang bomba ang itinanim sa isang palengke sa Gen. Santos City at pito katao ang namatay. May suspect na umano ang pulisya subalit "namamana" pa rin sila sa dilim. Hindi ito ang una sa mga pambobomba. Nariyan ang Rizal Day bombing, Valentine bombing, SuperFerry bombing at kabilang pa ang mga pambobomba sa mga pier at airport.

Hindi na dapat pagtalunan pa kung ipapasa o hindi ang Anti-Terrorism Bill.

vuukle comment

ANTI-TERRORISM BILL

ASIA

PAANO

PILIPINAS

RIZAL DAY

SANTOS CITY

TERORISMO

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with