^

PSN Opinyon

Gurang na congressman suki ng mga GRO sa Legend Club

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang madalas palang magtungo sa Legend Club sa Quezon City ang isang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Myrna Macalma, Manny Bal, Jonathan Coronia, Philip San Marte, Dr. Noel Erabagon ng Lipa City; Bro. Wilfred Singh at Bro. Willy Cabigting.
* * *
Alam n’yo bang kahit tatlo na ang asawa ng isang kongresista ay madalas pa rin siyang magtungo sa Legend Club sa Quezon City?

Ayon sa aking bubuwit, hiwalay na pala sa pangatlong misis si congressman kaya naghahanap ito ng kapalit. Ang hinahanap ay mas bata at mas maganda. Kaso lang, mga GRO pa ang kanyang pinupuntirya. Kasi, yung mga GRO sa pinupuntahan niyang nightclub ay magaganda pa raw sa ilang artista.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kapag nagpupunta si Congressman sa Legend Club na nasa sa kanto ng Quezon Ave. at Araneta Ave., Quezon City, ay sa likod siya dumadaan.

Ipinaparada ang kanyang Toyota Prado na kulay green sa tapat ng mga punerarya sa Araneta Ave. Dumadaan siya sa back door ng club. Lumulusot sa bodega, doon sa kusina hanggang sa makarating sa loob.

Siya ay sikat na sikat sa mga GRO ng Legend sapagkat isa siyang congressman at malaking magbigay ng tip. Bukod diyan, sikat din siya sa kanyang paboritong attire kapag nagpupunta doon.

Ginagaya niya yung nakatira ngayon sa White House. Ginagaya si US President George Bush na parang cowboy. Siya ay nakasuot ng maong pants, checkered shirt, naka-boots at naka-sombrero pa ng cowboy.

Ang kulang na lang para maging tunay na cowboy ay kabayo. Kaya lang, sabi niya ay hindi na raw kailangan yun sapagkat meron na siyang kinakabayo sa Legend.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang congressman na madalas magtungo sa Legend Club sa Quezon City ay si Congressman…

Siya ay dating tauhan ni Nur Misuari ng Moro National Liberation Front. Dati siyang MNLF commander.

Siya ay kilala rin sa Kamara bilang congressman na good dresser. Magaling kasi siyang magdala ng Amerikana. Kapag nasa session ay parati siyang naka-Tuxedo. Ingat na ingat siya sa kanyang damit at ayaw magusot.

Ang congressman na naghahanap ng pangatlong asawa sa Legend Club ay si Congressman… Siya ay si Congressman M. as in Matulis ng Mindanao.

vuukle comment

ARANETA AVE

AYON

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN M

DR. NOEL ERABAGON

GINAGAYA

LEGEND CLUB

QUEZON CITY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with