^

PSN Opinyon

Dapat tularan ng ibang police official si Col. Sapitula

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
DAPAT tularan ng iba pang hepe ng ating pulisya sa Kamaynilaan si Supt. Romulo Sapitula, ang bagong hepe ng Western Police District (WPD) Station 3 na matatagpuan sa Central Market. Ilang linggo pa lang siya sa puwesto pero ipinatupad kaagad ni Sapitula ang computerization sa kanyang mga presinto para lalong pag-ibayuhin ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga. Siyempre pa, sa ginawa ni Sapitula, lalong napataas niya hindi lang ang morale kundi maging ang working conditions ng kanyang mga tauhan. Ibig sabihin hindi na aasa sa kakarag-karag na typewriter ang mga pulis niya para gumawa ng report nila. Ang tanong lang marunong bang mag-computer ang mga tauhan ni Sapitula, he-he-he! Sanay kasing tumipa sa lumang typewriter ang mga ’yan kayat sa bigat ng mga kamay nila, tiyak ang unang masisira sa computer ay ang keyboard, di ba mga suki?

Kung nagawa ito ni Sapitula, bakit hindi kaya ng ibang opisyal ng pulis natin?

Nakakatuwa kasi na habang ang mga matataas nilang opisyales sa Camp Crame ay nag-aaway dahil sa ‘‘grasya’’, may mga kapulisan pa pala tayo na ang kapakanan ng kanyang mga tauhan ang nasa isipan nila at hindi ang personal interest nila. Hindi ko sinasabi na walang illegal diyan sa teritoryo ni Sapitula tulad ng bookies ng karera, jueteng, video karera at iba pa, pero naipangako naman niya na magsasagawa siya ng kampanya laban dito. Ang gagawin lang ng mga residente sa sakop ni Sapitula ay i-report sa kanya ang mga lugar na kinatitirikan ng mga illegal gambling at presto… aaksiyunan niya kaagad ang problema. At lalong magiging mabilis na ang coordination ng kanyang mga tauhan dahil nga sa computerization program nga ni Sapitula, di ba mga suki?

Siguro ang naging modelo ni Sapitula sa kanyang computerization program ay si Sr. Supt. Roberto Rosales, ang provincial director ng Cavite. Si Rosales kasi ng maupo sa Quezon at Cavite, ang nagsagawa ng computerization program sa mga bayan ng dalawang probinsiya kaya’t sunud-sunod ang mga accomplishments niya.

Si Rosales ang nakahuli kay Mayor Ronnie Mitra at umaabot sa 500 kilos ng shabu sa Quezon at ang pagbuwag din ng shabu laboratory sa Silang, Cavite. At malaking papel ang ginampanan ng computerization program na inumpisahan niya. Hindi nalalayo na magiging matagumpay din si Sapitula, sa kanyang adhikain na malinis at mapatahimik ang kanyang lugar lalo na sa pagdating ng Kapaskuhan, di ba mga suki? Kung sabagay, magandang buena mano itong paglilinis niya kamakailan sa tulong ng video regulatory board nitong Quiapo ng mga naglilipanang pekeng CD at VCD.

Sa pagdating ni Sapitula kasi sa Station 3, mayroon lang itong isang computer at apat na mechanical typewriters.

Sa ngayon pito na ang computers na ipinamahagi ni Sapitula sa mga presinto sa Barbosa, Plaza Miranda, Alvarez at Blumentritt at pati na ang Admin and operations office, intelligence and Investigation section at siyempre ang opisina niya.

vuukle comment

CAMP CRAME

CAVITE

CENTRAL MARKET

KANYANG

MAYOR RONNIE MITRA

NIYA

PLAZA MIRANDA

SAPITULA

SI ROSALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with