^

PSN Opinyon

MILF nanlalansi sa 10-day truce

SAPOL - Jarius Bondoc -
PALABAS lang ang deklarasyong 10-day truce ni MILF vice chairman for military affairs Al Haj Murad simula ngayon, June 2. Pakay lang ng MILF makalusot sa June 1 deadline ni Pres. Gloria Arroyo para isuko ang mga sumugod sa Siocon at Maigo, itakwil ang terorismo, at bumalik sa peace talks. Nais ng MILF na tumbasan ng gobyerno ng ceasefire declaration ang kanilang 10-day truce. Pero gagamitin lang nila ito para likumin ang nagkawatak-watak na puwersa, mag-distribute ng bala, at magpalakas para sa patuloy pang paglusob sa mga tahimik na komunidad.

Dati nang taktika ng MILF ang pa-truce-truce kuno. Nang unang makipag-peace talks ang gobyerno sa ilalim ni Fidel Ramos, nagtayo ng 26 na kampo ang MILF para mag-train ng mga batang rebelde. Tapos, hinarangan ng checkpoints ang highways para kikilan ang taumbayan. Kaya sinugod sila ng AFP nu’ng 2000. Nakipag-truce uli ang MILF nu’ng 2001 para kunwari bumalik sa peace talks. Pero nilusob nila ang mga baryo ng Kristiyano. Pati mga komunidad ng nananahimik nang MNLF, ginulo rin.

Kabisado na ng gobyerno ang kawalan-sinseridad ng MILF. Kaya ang naging tugon ng Malacañang ay igiit ang dati nang hinihingi sa mga rebelde: Patunayan ang bait sa pamamagitan ng pagtakwil sa terorismo, pagbalik sa peace talks at pagsuko sa mga tiwaling kumander. Hindi rin binawi ng gobyerno ang warrant of arrest laban sa limang pinakamataas ng pinuno ng MILFdahil sa pagbomba sa Davao City airport at seaport.

Napatunayan sa pagtugis ng AFP sa mga pumapatay ng sibilyan na nanghihina na ang MILF, kaya nga nanlalansi ito ng 10-day truce. Huwag sanang patulan ng gobyerno ang laro ng MILF. Sa halip, higit pang tugisin ang mga salarin sa Siocon, Maigo at Koronadal. Doon matututo ng leksiyon ang MILF: Na ang dahas ay may katapat na mas matinding dahas mula sa gobyernong may kanyon, eroplano at tangke.

Sa huli, dapat lang magkaroon ng peace talks. Pero aandar lang ito kapag nahuli na ang mga utak-pulbura sa hanay ng MILF.

vuukle comment

AL HAJ MURAD

DAVAO CITY

FIDEL RAMOS

GLORIA ARROYO

KAYA

MAIGO

MILF

PERO

SIOCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with