^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Erap house arrest

-
LUMALAMBOT na ba ang batas kay dating President Joseph Estrada? Mula sa isang magandang kuwarto sa Veterans Memorial Medical Center, ang pag-house arrest sa kanya ang mainit na pinag-uusapan ngayon. At malamang na ma-house arrest nga siya sapagkat maski si President Gloria Macapagal-Arroyo ay nagpapakita na ng kalambutan. Katunayan ay humihingi siya ng consensus kung dapat na nga bang i-house arrest ang napatalsik na lider. May himig na pabor siya lalo pa’t ang Simbahan ay nagpapakita na rin ng awa. Ang biglang pag-usbong ng isyu ay nataon naman sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at ganoon din naman sa panahong bumagsak ang popularidad ni Mrs. Arroyo. Bumagsak ng 45 percent ang performance rating ni Mrs. Arroyo mula sa 54 percent ayon sa Pulse Asia survey.

Ang isyu ng house arrest ay binuksan ni Housing Sec. Michael Defensor kay Estrada nang dumalaw siya sa VMMC noong Lunes. Sinabi ni Defensor na marami sa mga Metro Mayors ang nagnanais mailagay sa house arrest ang dating Presidente. Ganoon man sinabi ni Defensor na ang pagpunta niya sa VMMC ay sarili niyang kagustuhan at sinabi pang si dating Vice Mayor Jinggoy Estrada ang talagang sadya niya. Magkaibigan umano sapul pa sa pagkabata si Defensor at si Jinggoy. Marami naman ang nagdududa na may basbas ni Mrs. Arroyo ang pagpunta ni Defensor sa VMMC.

Kung may basbas ng Presidente ang pagpunta ni Defensor kay Estrada, tiyak na hindi magtatagal at maha-house arrest ang dating Presidente na santambak ang kaso na ang pinaka-mabigat ay ang plunder. Kung magkakaganito, tiyak na magkakasunud-sunod na ang kakatwang posisyon ng pamahalaan sa kaso ni Estrada. Lalo pa nga at ang mga abogado ni Estrada ay nagsabing ang pag-house arrest kay Estrada ay makababawas sa political tension na nangyayari sa bansa. Idinagdag na suportado na ng marami, mapa-religious at mapa-civic leaders ang pag-house arrest kay Estrada.

Ang mga Pilipino ay kilalang malambot ang loob. Maski ang nakagawa na ng kasalanan sa kanila ay maaaring mapatawad. Maaaring kalimutan ang lahat. Sana’y hindi ganito ang mangyari kay Estrada. Mula sa magarang kuwarto niya sa VMMC ay patungo na sa kanyang tahanan. Hindi kaya ang kasunod nito ay ang lubusan na niyang pagkakahulagpos sa mga kasong kanyang kinasasangkutan? Totoo na sa pagsapit ng Pasko ay ang pagkakaisa at pagkakasundo ang dapat umiral, pero kakaiba ang kaso ni Estrada kung ito ang ibig palabasin ngayon ng gobyerno.

vuukle comment

ARREST

ESTRADA

HOUSE

HOUSING SEC

METRO MAYORS

MICHAEL DEFENSOR

MRS. ARROYO

MULA

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with