^

PSN Opinyon

Editoryal - Wow talaga ang mga mali!

-
NAGPAPAKITA na ng lubos na katigasan si President Gloria Macapagal-Arroyo. Lagi siyang nasa mukha ng diyaryo kasama ang nadadakmang kidnappers at drug traffickers. Kakatwa ngayon na binibitbit pa sa Malacañang ang mga nahuhuling "halang ang kaluluwa" para iprisinta kay Arroyo. Ilang linggo nang may "ipinaparada" sa Malacañang at pinagpipistahan ng mga photographers.

Hindi lamang sa Malacañang may ipiniprisinta kay Mrs. Arroyo. Maski sa mga lugar na kanyang binibisita at may nahuling "halang ang kaluluwa" ay ipiniprisinta pa rin sa kanya. Ang ganitong tanawin ay nagiging kabagut-bagot naman sa paningin habang lumilipas ang mga araw. Hindi na maganda lalo pa at may maling nakikita.

Noong Biyernes, napadaan sa National Bureau of Investigation (NBI) si Mrs. Arroyo at ipinirisinta sa kanya ni NBI director Reynaldo Wycoco ang suspect sa P203 billion tax scam sa Landbank. Ang suspect na ipinirisinta kay Mrs. Arroyo ay si Acsa Ramirez, cashier ng Landbank Binangonan Branch.

Subalit mali! Si Ramirez pala ang "whistle blower" sa nasabing anomalya. Akala umano niya ay iko-congratulate siya ng Presidente kaya siya tinawag at pinaupo sa unahan iyon pala ay isa siya sa mga suspect. Umiyak nang umiyak si Ramirez sa pagkakataong iyon sapagkat nakatutok sa kanya ang TV camera. Kitang-kita ang mukha niya.

Umano’y nag-sorry na ang NBI sa kanilang pagkakamali at kapalpakan subalit humihingi si Ramirez ng public apology. Tungkol sa maling pagkakaprisinta sa kanya ng Presidente, sinabi ng abogado ni Ramirez na na kay Arroyo na kung hihingi ito ng paumanhin.

Hindi ito ang unang pagkakamali ng NBI. Ayon sa isang opisyal ng Malacañang, ang NBI rin ang nagbigay ng maling impormasyon kay Arroyo tungkol sa pagkakahuli sa Pentagon Gang leader na si Faizal Marohombsar noong July 26. Wala naman palang katotohanan ang pagkakadakip.

Sunud-sunod ang "koryente" kay Mrs. Arroyo at tila wala siyang balak na suwetuhin ang mga nagbibigay sa kanya ng maling impormasyon. Paano kung ang mga ipiniprisinta sa kanya sa Malacañang ay mga "fall guy" pala? Hindi kaila na mahilig ang mga awtoridad sa "short cut" na trabaho at basta na lamang dadampot para masiyahan ang Presidente. Paano pa maibabangon ng mga naiprisintang suspect sa Malacañang ang kanilang nadungisang karangalan, katulad na lamang ng kay Acsa Ramirez? Dapat maging maingat si Mrs. Arroyo at hindi banat nang banat.

vuukle comment

ACSA RAMIREZ

ARROYO

FAIZAL MAROHOMBSAR

KAY

LANDBANK BINANGONAN BRANCH

MALACA

MRS. ARROYO

RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with