^

Metro

2 elementary pupil, sugatan sa pananaksak sa loob ng paaralan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 elementary pupil, sugatan sa pananaksak sa loob ng paaralan
Sa report ng Caloocan City Police, ang mga biktima ay kinabibilangan ng isang 11-anyos na estudyante na Grade 6 na nagtamo ng 7 saksak sa katawan at isang 9-anyos na Grade 4 na nagtamo ng dalawang saksak na dinala sa pagamutan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang estudyante ang nasugatan nang sila ay pagsasaksakin ng kapwa nila estudyante sa loob ng isang pampublikong paaralan sa elementarya sa Brgy. Bagong Silang, Caloocan City nitong Miyerkules ng umaga.

Sa report ng Caloocan City Police, ang mga biktima ay kinabibilangan ng isang 11-anyos na estudyante na Grade 6 na nagtamo ng 7 saksak sa katawan at isang 9-anyos na Grade 4 na nagtamo ng dalawang saksak na dinala sa pagamutan.

Ang suspect, ay tinukoy naman ng mga otoridad na isang 12-anyos na mag-aaral din sa nasabing paaralan.

Base sa imbestigas­yon, naganap ang insidente bandang alas-6:00 ng umaga habang nakapila ang mga estudyante sa lobby ng Bagong Silang Elementary School.

Sa pahayag ng mga estudyanteng nakasaksi sa pangyayari ay bigla na lamang inilabas ng suspect ang ipinuslit nitong ­kutsilyo at agad sinaksak ang dalawang estud­yante.

Nahuli naman ng isang guro ang suspect habang papatakas.

Ina­alam pa ng pulisya ang motibo ng pananaksak ng suspect.

Nakatakda namang sumailalim sa psychological debriefing ang naturang mga mag-aaral habang ang suspect ay ikukustodya ng City Social Welfare and Development (CSWD) ­dahil isa itong menor-de-edad.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with