MMDA: Mall hours ipatutupad mula 11am-11pm
Nobyembre 16 hanggang Disyembre 25
MANILA, Philippines — Simula Nobyembre 16 hanggang Disyembre 25, ipatutupad ang adjusted operating hours ng mga shopping mall sa Metro Manila na mula 11:00 AM hanggang 11:00 PM bilang bahagi ng mga hakbang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para mabawasan ang pagsisikip ng trapiko ngayong holiday season.
Hindi sakop ng bagong schedule ang weekends at holidays, gayundin ang mga restaurant, supermarket, at government services sa loob ng mall.
Lilimitahan din ang deliveries mula 11:00 PM hanggang 5:00 AM, maliban sa perishable goods.
Papayagan lamang ang mall-wide sales tuwing weekends, habang kailangang magsumite ng traffic management plan ang mga mall operator dalawang linggo bago ang kanilang sales at promotional events.
Samantala, inanunsyo rin ng MMDA na suspendido ang number coding mula Nobyembre 16 hanggang 18, 2026, kasunod ng idineklarang special non-working holidays para sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.
- Latest
















