Gilas, Bahrain simula na ng giyera
MANILA, Philippines — Sisimulan ng Gilas Pilipinas ang pagdepensa sa titulo sa pagharap sa Bahrain ngayong araw sa pagsisimula ng 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.
Magkukrus ang landas ng Gilas at Bahrain sa ala-una ng hapon (alas-12 ng tanghali sa Maynila) sa Aichi International Arena.
Hindi magiging madali ang lahat para sa Pinoy cagers dahil makakasagupa nito sa kanilang unang asignatura ang Bahrain na nagpalakas ng lineup sa edisyong ito.
Maluwag ang Asian Games organizers kumpara sa mga FIBA tournaments. Kailangan lamang ng passport upang makapaglaro bilang naturalized player ng bansa.
Kaya naman sinamantala ito ng Bahrain dahil magpaparada ito ng apat na naturalized players.
Nangunguna na sa listahan si dating NBA player JaKarr Sampson na naglaro para sa Philadelphia 76ers, Chicago Bulls, Denver Nuggets, Sacramento Kings at Indiana Pacers.
Kasama nito sina Uros Ilic, Elijah Thomas at Austin Ajukwa.
Dahil dito, kailangang kumayod ng husto ng Gilas Pilipinas na maglalaro nang wala si naturalized player Justin Brownlee na nagpapagaling pa sa injury.
Pinalitan si Brownlee ni Gilas Pilipinas mainstay Calvin Oftana na dumating sa Nagoya noong Miyerkules para makasama ang tropa.
- Latest


















