Look out order vs Leviste ihihirit ng NBI
MANILA, Philippines — Nakatakdang hilingin ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng immigration lookout bulletin order (ILBO) laban kay Batangas Rep. Leandro Leviste, dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras, at limang iba pa na dawit sa umano’y “honey trap” kay Executive Secretary Ralph Recto.
Kasunod ito ng inihaing reklamo noong Biyernes sa DOJ ng NBI na qualified human trafficking laban kina Leviste, Paras, talent manager na si alyas “Ken” at apat na mga abogado na sina Ruy Rondain, Orlando Mendiola, Patrick Criaga, at Josemilio Manuel Apostol ng Rondain & Mendiola Law Firm.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, posibleng ngayong linggong ito isumite ang kahilingan sa DOJ.
Binanggit ni Matibag na huling lokasyon na na-monitor si Leviste ay sa France.
Una nang naiulat na ang mag-inang sina Senator Loren Legarda at Leviste ay lumabas ng bansa noong Agosto 2, sa magkahiwalay na flights.
- Latest
























