^

PSN Showbiz

BGYO, ibang-iba sa vertical

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
BGYO, ibang-iba sa vertical
Akira, Reign at JL.
STAR/ File

Iba’t ibang kuwento ng pag-ibig ang hatid ng BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki at Nate bilang leading men sa microdrama series na Vertical On Demand, na napapanood sa BGYO Official YouTube channel.

Hango ang vertical drama sa mga kanta ng kanilang latest EP na On Demand na umani na ng 2.5 million streams sa Spotify. Binibigyang-buhay nito ang iba’t ibang kwento tungkol sa pag-ibig, dating, relasyon at mga kilig at pagsubok na kaakibat nito. 

Sa unang episode na Life’s Too Short, na pinagbidahan nina Akira, JL at Reign Parani. Isang binatang nag-iipon ng lakas ng loob si Jules (Akira) para aminin ang kanyang nararamdaman kay Diane (Reign). Sa tulong ng best friend niyang si Red (JL), naghanda siya ng surprise date na maaaring maging daan para tuluyang maipagtapat ang kanyang damdamin.

Kwelang chemistry naman ang hatid nina JL at Joy Barcoma sa ikalawang episode na Mean Girl. Hindi malaman ni Brian (JL) kung paano mapapasaya ang girlfriend niyang si Trish (Joy) matapos nitong hindi magustuhan ang bawat dating spot na kanyang iminungkahi, na nauwi sa nakakaaliw at sweet nilang pagtatalo bilang magkasintahan.

Mas emosyonal na kuwento naman ang hatid nina Gelo at Alexa Ilacad sa ikatlong episode na Raindrop. Ipinagdiriwang nina James (Gelo) at Kai (Alexa) ang kanilang anibersaryo habang binabalikan ang masasayang alaala ng kanilang relasyon. Ngunit sa gitna ng kanilang date, unti-unting lumalabas ang tensyon na ma­tagal nang namamagitan sa kanila.

Samantala, nagtagisan sina Mikki at Nate sa latest episode na Trono, kung saan pareho silang excited na naghihintay sa kanilang date kasama si Kolette Madelo. 

Bago inilunsad ang serye, umikot ang BGYO sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa kanilang mall tour kung saan pinasaya nila ang ACEs sa SM City Telabastagan, SM City Novaliches, SM City Sto. Tomas, SM City Baguio, SM Southmall at SM Lanang.

Sa totoo lang, parang vertical na ang future ng series.

Ang bilis na ng attention span ng mga manonood ngayon – ang haba ng oras na kayang mag-concentrate ng isang tao sa iisang gawain o acti­vity nang hindi naaabala o nawawala ang pokus.

Hindi katulad noon na kahit ang haba ng commercial break, hindi bumibitiw ang manonood. Ngayon ‘pag may commercial, hindi na nila binabalikan ang palabas.

Kaya iba na rin ang placement ng mga produkto ngayon, nakasingit na sa mga eksena ng mga bida.

Anyway, hintayin natin dahil tiyak na may magaganap pang mga pagbabago sa pagpasok diumano ng ilang investor sa vertical series.

 

AKIRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with