5-anyos pisak sa van sa Pasig
MANILA, Philippines — Patay ang isang batang lalaki nang masagasaan ng van sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City noong Martes ng umaga.
Sa ulat ng Pasig City Police Station, dead-on-arrival sa Pasig City General Hospital ang biktima dahil sa matinding pinsala.
Nangyari ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa Sandoval Avenue malapit sa panulukan ng Eusebio Avenue. Nasa kalsada ang bata at bigla umanong tumawid na nagkataong lumiliko umano ang sangkot na van. Nagulungan ang bata at kaagad dinala sa nasabing pagamutan dahil sa matinding mga sugat na tinamo.
Nakapiit ang driver na mahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
- Latest
















