^

Metro

Mister inutas habang natutulog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Katabi ang misis

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang pasukin ang inuupahang silid at pagbabarilin ng salarin habang natutulog sa tabi ng kanyang misis, sa Pasay City, Huwebes ng madaling araw.

Hindi muna naglabas ng detal­ye sa pagkaka­kilanlan ng biktima ang Pasay City Police Station upang hindi maapektuhan ang isinasagawang imbestigasyon at forward and back tracking para madakip ang suspek.

Nabatid na dakong ala-1:00 ng madaling araw nang magising ang misis ng biktima sa magkakasunod na putok ng baril at nabigla nang makitang duguan ang mister. Natulala ang misis na walang nagawa habang tumatakas ang suspek.

Inilarawan ang suspek na nakasuot ng helmet, na mag-isang pumasok sa bahay ng biktima, na matatagpuan sa eskinita ng Apelo Cruz St. Brgy, 157.

Wala pang nakikitang motibo sa krimen.

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with