^

Police Metro

P319 milyong pera mula China, napunta sa kumpanya ni Mans Carpio - prosecution

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniharap ng House prosecution panel sa ­Senate impeachment court ang testimonya ng AMLC Executive Director Ronel Buenaventura para patunayan umano na P319 milyon mula sa mga kumpanyang nasa China ang ipinadala sa Cale88 Foods Corporation, kung saan may 47.5 percent business interest umano si Atty. Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay private ­prosecutor Atty. Mae Divinagracia, tatlo sa mga remittance ang iniulat ng bangko bilang kahina-hinala dahil umano sa kawalan ng legal o trade obligation at malinaw na layuning pang-ekonomiya.

Sinabi rin ng prose-kusyon na halos P4.5 bilyon ang pumasok at lu­mabas sa 15 ­korporasyong may interes umano sina Duterte at Carpio mula 2022 hanggang 2025.

Bukod dito, sinabi ng prosekusyon na P4.4 bilyon ang kabuuang covered at suspicious transactions na direktang kinasasangkutan umano ng mag-asawa mula 2007 hanggang 2025.

Ayon sa prose­kusyon, gagamitin ang mga rekord ng AMLC upang patunayan ang mga alegasyon sa Article II ng impeachment case laban kay Duterte.

 

 

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with