Tsuper na inatake sa puso habang nagpoprotesta namatay na
MANILA, Philippines — Pumanaw na kamakalawa ng gabi ang PUJ driver at transport activist na si Tatay Elmer Cordero na inatake sa puso habang nagpoprotesta noong Setyembre 29 sa Monumento Caloocan City.
Isinugod sa Caloocan City Medical Center si Tatay Elmer 78 kung saan kritikal ang kanyang kondisyon matapos na atakihin sa puso. Miyembro si Tatay Elmer ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).
Kabilang din siya sa “Piston 6” na naaresto sa isang protesta noong 2020 sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kalaunan ay na-dismiss ang kaso laban sa anim na tsuper at na-acquit sila ng Caloocan court noong 2024.
- Latest




















