^

Metro

TNVS drivers kinuwestiyon fare implementation, mataas na komisyon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
TNVS drivers kinuwestiyon fare implementation, mataas na komisyon
File photo of LTFRB office.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng mga TNVS driver ang pagpapatupad ng itinakdang pamasahe at mataas na komisyong kinakaltas sa kanilang kita sa pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Miyerkules.

Sa pagdinig, sinabi ng isang transport network company (TNC) na ipinatutupad nito ang fare adjustment ng LTFRB, kabilang ang P15 kada kilometrong pickup fare. Ngunit kinuwestiyon ito ni TNVS Community Philippines (TCP) Chairman Walter Lugay Uy dahil P15 lamang umano ang naibibigay sa driver kahit gaano kalayo ang nilalakbay nito para sunduin ang pasahero.

Ayon kay Lugay, dapat nakabatay sa bawat kilometrong nilalakbay ang pickup fare dahil may gastos na agad ang driver sa gasolina, oras, at paggamit ng sasakyan bago pa man magsimula ang aktuwal na biyahe.

Hiniling din ng TCP sa LTFRB ang mas malinaw na paliwanag sa pagkalkula ng commissions at iba pang deductions ng mga TNC upang matiyak kung magkano ang aktuwal na naiiwan sa driver sa bawat booking. Binanggit din ng grupo ang overbooking, unauthorized o “tempo” operations at suspension o deactivation practices bilang mga isyung dapat tugunan.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with