Maynila, wagi ng Silver Award sa Seoul Smart City Prize
MANILA, Philippines — Nagwagi ang Maynila ng Silver Award sa Tech-Innova City category ng Seoul Smart City Prize 2026 dahil sa paggamit ng Geographic Information System (GIS) sa disaster management at pamamahala ng lungsod.
Kinilala ang Manila Innovation Integrated GIS and Data Hub sa paggamit ng digital mapping, spatial analysis, at real-time data monitoring para mapahusay ang pagtugon sa baha, sunog, at iba pang emergency sa anim na distrito ng lungsod.
Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bunga ng ilang taong pagsisikap ng GIS team at Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) ang pagkilalang natanggap ng lungsod. Pinamumunuan ni Ramon Jefferson P. Verano ang GIS hub at si Arnel Eustacio M. Angeles ang MCDRRMD.
Ang Maynila ang tanging lungsod mula sa Pilipinas na tumanggap ng parangal sa kompetisyon, na kumilala sa paggamit ng teknolohiya para sa disaster risk reduction, public safety, pangangalaga sa kapaligiran, at iba pang serbisyo ng lungsod.
- Latest





















