BuCor nagbabala sa 2 pekeng e-recruitment websites

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Bureau of Corrections (BuCor) sa publiko at mga aplikante laban sa dalawang pekeng recruitment websites na nagpapanggap na opisyal na online platform ng ahensiya.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., maaaring mabiktima ng scam ang mga gagamit ng mga pekeng website at magbibigay ng personal na impormasyon. Sinabi niyang ang lahat ng recruitment transaction ay isinasagawa lamang sa bucor.gov.ph at iba pang awtorisadong communication channels.
Tinukoy ni Catapang ang e-bucor-rms.vercel.app at bucor-recruitment.online bilang mga pekeng website na walang opisyal na kaugnayan sa BuCor. Batay sa OSINT investigation, may registration at login features ang unang site, habang bagong rehistro naman ang ikalawang website at gumagamit ng privacy service para itago ang pagkakakilanlan ng nagparehistro.
Kinumpirma ng Recruitment at Information Technology departments ng BuCor na peke ang dalawang website. Hinimok ng ahensiya ang publiko na maging mapanuri at gumamit lamang ng mga opisyal na channel ng BuCor sa anumang recruitment transaction.
- Latest
















