^

Metro

Manhunt inilunsad vs suspects sa pamamaril sa KTV bar

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Pulis na kasama sa inuman, kakasuhan

MANILA, Philippines — Tinutugis na ng Las Piñas City Police matapos na matukoy ang mga suspek sa pamamaril sa apat na katao kabilang ang isang babae sa isang KTV bar sa Alabang-Zapote Road, Pamplona Uno, Las Piñas City, nitong nakalipas na linggo.

Nasa kritikal na kalagayan sa Perpetual Help Hospital ang babaeng biktima dahil sa tama ng bala sa ulo habang dinala sa Las Piñas District Hospital ang tatlong lalaking sugatan; pawang kustomer ng KTV bar, at sinasabing kasama ng isang pulis na nag-iinuman.

Natukoy sa kuha ng CCTV at testimonya ng mga saksi ang mga suspek na kustomer din ng bar na isang “Boss Gerry”, bodyguard umano na si alyas “Dexter” at tatlong iba pa.

Sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa sa loob ng bar na nauwi sa pamamaril noong Abril 20.

Lumalabas na inutusan umano ni Boss Gerry si Dexter na barilin ang kabilang grupo dahil sa walang tigil na pagmumura.

Isang pulis na hindi pa pinangalanan na kasama ng mga biktima, ang inilabas ng mga kasamahan mula sa mainitang pagtatalo.

Ayon sa ulat, mahaharap sa mga kasong administratibo na Grave Neglect of Duty at Less Grave Neglect of Duty ang ‘di pinangalanang pulis dahil sa kabiguang aksyunan bilang alagad ng batas ang insidente.

Inihahanda na rin ang mga kasong frustrated murder at direct participation at inducement in shooting incident laban sa mga suspek.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with