^

Metro

Bebot 12-araw nawawala, isinako, tinapon sa bangin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bebot 12-araw nawawala, isinako, tinapon sa bangin
Sa report na nakalap sa PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City, kinilala ang biktima na si Roselyn Gaorian, may-asawa.
STAR/File

Posibleng ginahasa bago pinatay

MANILA, Philippines — Patay na at nakasilid sa sako nang matagpuan sa ilalim ng bangin ang isang babae na 12 araw nang iniulat na nawawala, nitong Lunes ng hapon sa Barangay Cansuaguit, Loon, Bohol.

Sa report na nakalap sa PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City, kinilala ang biktima na si Roselyn Gaorian, may-asawa.

Lumalabas na iniulat ng kanyang pamilya sa Tubigon Police Station ang pagkawala ni Gaorian simula pa noong Abril 3, 2024.

Huling nakita si Gaorian na buhay sa kanyang trabaho bilang cashier sa isang LPG outlet sa Barangay Pinayagan Sur, bayan ng Tubigon. Mula noon ay hindi na siya nakauwi at hindi na rin makontak ang kanyang cellphone.

Lumilitaw sa imbestigasyon na mismong mister at kapatid nito na naghahanap sa biktima ang nakalanghap ng masangsang na amoy na nagmumula sa madamong lugar sa ilalim ng bangin.

Napansin nila ang isang sako na natatakpan ng  mga bato at pinanggagalingan ng  amoy.

Agad na humingi ng tulong ang mister ng biktima sa Loon Police Station hanggang sa positibo na itong kinilala ng una.

Ayon kay Police Major Rey Olar, hepe ng Loon Police Station, malaki ang posibilidad na pinaslang na ang biktima bago itinapon ang katawan nito sa lugar. Sinasabing nasa isang linggo na itong patay pero natuklasan pa rin  na may malaking pasa sa kanyang ulo, na pinaniniwalaang pinagpapalo ng matigas na bagay.

Hindi rin inaalis ng pulisya ang posibilidad na ginahasa ang ginang bago pinatay saka isinako at itinapon sa matarik na bangin.

Narekober naman ang bag ng biktima ilang araw na ang nakalilipas na naglalaman ng kanyang mga personal na gamit sa bayan ng Calape.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with