^

Police Metro

Undeclared bank accounts ni VP Sara, dapat ipaliwanag

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung sakaling sumalang sa witness stand sa kanyang impeachment trial si Vice President Sara Duterte ay kailangang ipaliwanag nito kung bakit hindi nakasaad sa kanyang mga sinumpaang deklarasyon ng yaman ang mga kinukuwestiyong laman ng kaniyang mga bank accounts. 

 Ito ang inihayag ni Prosecution team legal Spokesperson at counsel Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na iginiit na hindi pa nahahamon ng defense team sa Senate impeachment court ang pagiging tunay ng mga bank records ni VP Duterte at ng mister nitong si Atty. Manases Carpio sa kabila ng malapit ng matapos ang pagpriprisinta ng mga ebidensya.

Binanggit niya na kinuwestiyon ng depensa ang pagiging katanggap-tanggap ng mga bank record sa bisa ng bank secrecy sa halip na ang pagiging tunay ng mga ito.

Kasunod nito, tinanggap ng ­Senate impeachment court ang mga bank record bilang bahagi ng dokumentaryong ebidensya ng prosecution team sa ilalim ng Article II ng Articles of Impeachment.

Ayon kay Tolosa kahit ang expert witness ng depensa sa mga batas kontra money laundering ay hindi nagkuwestiyon sa pagiging tunay ng mga opisyal na rekord na ginamit ng forensic financial expert ng House prosecution na si Atty. Alexander Cabrera.

Ang 16 executives ng bangko na dapat sanang tetestigo ay inalis ng depensa sa listahan ng mga sasalang sa witness stand.

Matatandaan na tinukoy ni Cabrera ang hindi bababa sa P817.87 milyon sa umano’y hindi idineklarang ari-arian at hindi maipaliwanag na paglobo ng kayamanan na kinasasangkutan nina Duterte at Carpio mula 2022 hanggang 2025.

Patuloy na idineklara ni VP Duterte na walang cash on hand at sa mga bangko sa kanyang mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula 2019 hanggang 2025, sa kabila ng mga bank record na ipinakita ng prosekusyon na nagpapakita ng malalaking balanse.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with