^

PSN Showbiz

Angia, nilabas ang kinikimkim ng kababaihan

Pilipino Star Ngayon
Angia, nilabas ang kinikimkim ng kababaihan
Angia

Ginawang inspirasyon ng singer-songwriter na si ANGIA ang mga damdaming madalas kinikimkim ng kababaihan sa kanyang debut EP na the ­quietest way to scream.

Pinagsama ng EP ang tunog alternative, indie, pop at rock para bigyang boses ang mga tinatagong emosyon na nararamdaman ng mga babae habang nagsusumikap maabot ang expectations ng ibang tao. Ipinapakita ni ANGIA sa mga awitin ang kahalagahan ng pagiging totoo sa sarili at pagkakaroon ng lakas ng loob na pag-usapan ang mga damdamin at karanasang hindi madaling ibahagi. Tampok dito ang mga kantang Hit, HDYK, Let Down, at ang naunang singles na Back Again, Talon at Hidden.

Nakasama ni ANGIA sa pagsulat ng mga kanta sina Nhiko Sabiniano at Angela Ken, habang sina Moophs at Nhiko naman ang nag-produce ng EP.

Naging unang patikim niya sa EP ang Back Again, na inilabas noong 2024 at naging bahagi ng soundtrack ng seryeng High Street. Sinundan niya ito ng singles na Talon at ang The Loyalty Game OST na Hidden.

Nagsisilbing key track ng EP ang Let Down na tungkol sa pressure na dalhin ang bigat ng kabiguan ng ibang tao.

Bukod sa pagiging singer-songwriter at recording artist, ipinapakita rin ni ANGIA ang kanyang talento sa musical theater at visual arts. Na­ging bahagi siya ng musical na Spring Awakening at naging opening act sa Panahon Na Natin concert ni Angela Ken.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with