^

PSN Showbiz

Kilalang aktor, nang eklay ng producer!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sobrang dismayado ang isang movie producer sa kilalang aktor dahil sa wala raw itong isang salita.

Sabi ni movie producer, siya raw ang nilapitan ng handler ni aktor na bigyan ito ng magandang project na ibang-iba sa mga nagawa niya.

Natuwa naman si movie producer dahil gusto rin niyang makatrabaho itong si aktor. Ginawan nila ng script at pinabasa sa kanya.

Nagustuhan daw ito, pero wala pa silang nai-commit na schedule. Naghintay si produ, at pagkalipas ng ilang buwan, nag-follow up sila.

Nagpa-meeting at ang sabi ni aktor, nagustuhan niya. Gusto niyang gawin.

Willing si produ mag-adjust sa schedule at maghihintay sila.

Hanggang sa napagdesisyunan nilang gawin na nila. Inayos na ang ilang detalye, at higit sa lahat ang leading lady na kukunin nila.

Ngayong halos nakakasa na at ipa-approve na sana sa kilalang aktor ang makakatambal niya, tila umaatras naman siya.

May concern na naman daw ang aktor sa script.

Nagsasabi raw ang isang staff nito na parang lumalabas na mas mabigat ang role ng lead actress.      

Sabi naman ni movie producer, hindi lang daw nila minsan ito napag-usapan. Sa pagkaalala niya ay tatlong beses daw nila itong pinag-usapan at mismong si aktor daw ang nagsabi sa kanyang gusto niyang gawin.

Bakit ngayon, may iba ka nang concern sa script, e hindi naman na-revise.

 Kunsabagay, karapatan naman ng isang artista kung magbago siya ng isip, pero hindi lang daw ito minsanan lang na napag-usapan.

Inabot din ng taon, at matagal niyang pinaghintay ang naturang movie production. Nakailang beses din silang  nag-meeting. Nabayaran na ang writer, kasado na silang simulan ito early next year.

Ngayong tila umaatras na itong si aktor, start na naman ang production sa step one, sa paghahanap ng kapalit.

Marami namang magagaling, at bagay sa role ng movie project na ito, pero dismayado talaga si movie producer dahil binuo nila ang script para talaga sa aktor na ito.

Sayang!

WOF, isang taon lang nag-break

Inilabas na ni Federico Moreno ang bagong listahan ng mga inductees sa kanilang Walk of Fame ngayong taon.

Nagkaroon ng isang taon na break ang Wak of Fame dahil sa mga inayos sa Eastwood na kung saan doon nakalagay ang brass star ng mga kilalang personalidad in-in­duct sa kanilang taunang Walk of Fame. “We had to pause for one year kasi the venue kung saan ginagawa ang event was being renovated. Mahirap mag-hold ng event kung malayo sa pinaglalagyan ng stars/brass stars,” sagot ni Federico nang naka-chat ko siya sa Messenger.

Sila pa rin daw na nasa Board of Trustees ng Walk of Fame Philippines ang pumipili ng stars.      

Ang napili nila ngayon taon ay sina Andrea Brillantes, Chinkee Tan, Cong TV, Tim Yap, at Wil Dasovich sa Social Media.

Sa Television ay sina Geleen Eugenio, Kristina Paner, at Universal Motion Dancers, at si Jillian Ward.

Kasama rin sa inductees sina Apl de Ap para sa music, Boys Night Out sa radio, Carlos Yulo sa sports, at si Eric Quizon para sa movies.

Ang Walk of Fame ay sinimulan ng namayapang master showman na si German Moreno noong taong 2005.

Pinursigeng ituloy ito ng nag-iisa niyang anak na si Federico. Ani Federico; “When my papa established the Walk of Fame Philippines in 2005, he wanted to recognize and celebrate individuals whose exceptional achievements, enduring contributions, and inspiring influence have made a meaningful and lasting impact on the Filipino people.”

Gusto raw niyang ituloy ito taun-taon para sa iniwang legacy ng kanyang ama.

Ngayon ay isinama na nila pati ang mga kilalang perso­nalidad sa social media.

“Initially dedicated to hono­ring distinguished personalities in Cinema, Television, Radio, Theater, and News & Public Affairs, the Foundation has since expanded its scope to include Sports and Social Media, recognizing outstanding individuals whose influence transcends traditional forms of entertainment and continues to inspire generations of Filipinos.

“Most of the inductees this year are from the social media that makes it more exciting,” sabi pa ni Federico.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with