Bagong Senate rules, maaaring sumaklaw sa unauthorized absences
MANILA, Philippines – Sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na maaaring masaklaw ng panukalang pag-amyenda sa Rules of the Senate ang patuloy na walang pahintulot na pagliban ng mga senador.
Ayon kay Lacson, naghain si Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III ng resolusyon upang malinaw na maisama sa Senate rules ang ganitong paglabag, na kasalukuyan nang dinidinig ng Rules Committee.
“Masasaklaw ng Rules of the Senate ‘yung continued unauthorized absences,” ani Lacson.
Ipinaliwanag niya na sa kasalukuyan ay wala pang partikular na probisyon laban sa matagal na ‘di-pinahihintulutang pagliban, ngunit maaaring magbago ito kapag naaprubahan ang panukalang pag-amyenda.
Naghain si Sotto ng Senate Resolution No. 751 upang magtakda ng mga patakaran sa pagharap sa matagal na unauthorized absences ng mga senador.
- Latest


















