^

Probinsiya

P20 milyon smuggled yosi nasamsam

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang mahigit sa P20 milyong halaga ng mga hinihina­lang puslit o smuggled na sigarilyo sa Carmona City, Cavite, kamakalawa. 

Sa ulat ng pulisya, ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Carmona City Police Station, kasama ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan at nadiskubre ng mga awtoridad ang tatlong inabandonang delivery truck sa Sterling Technopark, Barangay Lantic, Carmona City, Cavite.

Nang inspeksyunin ang mga sasakyan, tumambad sa mga ope­ratiba ang 308 master cases ng mga hinihina­lang smuggled na siga­rilyo na nagkakahalaga nang humigit-kumulang P20.02 milyon.

Walang naarestong suspek sa operasyon. Agad kinumpiska at ini­lagay sa kustodiya ng mga awtoridad ang mga nasabat na kontrabando at mga sasakyan para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. 

Nakatakda ring i-turnover ang mga nakumpiskang ebidensya sa mga kaukulang ahensya para sa mas malalimang imbestigasyon.

SMUGGLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with