Estudyanteng rider nabagok sa semplang, patay
MANILA, Philippines — Patay ang isang 18-anyos na college student matapos mawalan ng kontrol minamanehong motorsiklo at mabagok sa pagbagsak sa kalsada sa Cainta, Rizal nitong Martes.
Dead-on-arrival sa Cainta Municipal Hospital ang biktimang si alyas “Seth,” residente ng Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal.
Batay sa ulat ng Cainta Municipal Police, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa tapat ng Meralco Junction, na matatagpuan sa Ortigas Avenue Extension, Brgy. Sto. Domingo, Cainta.
Makikita sa kuha ng CCTV sa lugar na bago ang aksidente ay minamaneho ng biktima ang isang kulay gray na motorsiklo at binabagtas ang Ortigas Avenue Extension patungong Pasig City.
Gayunman, pagsapit sa naturang lugar ay nawalan ang rider ng kontrol sa kanyang motorsiklo sanhi upang siya ay sumemplang at sa kamalasan, tumama ang ulo sa sementadong kalsada na kanyang ikinasawi.
- Latest















