Alex Eala kayod agad sa training
MANILA, Philippines — Walang pahi-pahinga para kay Pinay netter Alex Eala matapos ang kampanya nito sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.
Nagtapos bilang bronze medalist si Eala sa Asian Games nang matalo ito sa semis kontra kay eventual gold medalist Wang Xiyu ng China.
Matapos nito, wala pa rin itong tigil sa ensayo doon upang masigurong nasa magandang kundisyon ito bilang paghahanda sa kanyang pagbabalik sa WTA Tour.
Nakalinya ang ilang torneo kay Eala sa mga susunod na linggo kung saan darayo naman ito sa China para sa dalawang WTA events.
Kaya naman kahit nasa Japan pa, tuloy pa rin ang ensayo nito.
Sa katunayan, bago ang awarding ceremony ng women’s singles tennis event, sumalang sa ensayo si Eala sa Nagoya.
Naging bisita pa nito si Asian Games back-to-back champion EJ Obiena na nanood pa sa kanyang ensayo.
Nagawa pang makipalo ni Obiena habang nasa ensayo si Eala.
Sa ngayon, balik sa pukpukang ensayo si Eala upang maplantsa ang mga kailangan pang ayusin sa kanyang laro.
Maraming natutunan si Eala sa kanyang kampanya sa Asian Games kaya’t wala itong pinagsisisihan sa kanyang mga naging desisyon.
- Latest




















