^

Pang Movies

Vice, may hamon sa mga Gen Z!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice, may hamon sa mga Gen Z!
Vice Ganda
STAR / File

Nagbigay ng matapang na mensahe si Vice Ganda para sa mga kabataan, partikular na sa mga Gen Z sa opening ceremony ng UAAP (University Athletic Association of the Philippines) Season 89 na ginanap last Saturday, kung saan ay host school ang Far Eastern University (FEU) na alma mater ng TV host/comedian.

Pinangunahan ni Unkabogable Phenomenal Superstar ang star-studded kick-off with her show-stopping production numbers.

During her set, ginunita ni Vice sa kanyang speech ang panahong ordinaryong estudyante pa lang siya sa FEU.

“I am Vice Ganda, a proud Tamaraw!” simula niya.

“Isang dating pangkaraniwang estudyante na humarap sa napakaraming hamon sa buhay — hamon ng kahirapan, hamon ng diskriminasyon, isama na rin natin ang hamon sa mga snatcher sa kahabaan ng Recto noon,” patuloy niya.

Sa nasabing unibersidad daw niya naranasan ang maging malaya.

“Gayunpaman, napakapalad kong nakaranas ng makulay na karanasan sa loob ng FEU campus. FEU allowed me to be free, free to be myself, free to be unapologetically super gay, free to love, free to fight and most importantly, free to win,” aniya.

Kasunod nito ay matapang na hinamon ni Vice ang buong UAAP community partikular na ang mga Gen Z na bumoto nang tama sa susunod na eleksyon at huwag nang papanalunin ang mga magnanakaw ng kaban ng bayan.

“It is very important that we exist in an environment that allows us to win. Kaya naman ang hamon ko sa inyo, ipanalo ninyo ang lipunang magbibigay sa inyo ng disenteng pamumuhay at kalayaang magtagumpay!

“At mangyayari lamang ‘yan ‘pag naipanalo ninyo ang mga lider na hindi kayo nanakawan at gagawin kayong bobo at ilulubog ang inyong dangal at pag-asa sa baha!” ang sigaw ng TV host/comedian.

Patuloy pa niya, “Kaya naman Gen Zs, I challenge you to fight, show up, and win no matter what!”

Dream come true pala para kay Vice Ganda ang makapag-perform sa nasabing sports event.

“Fantasy ko siya. Noon pa, kahit may mga cheerdance competitions, sinasabi ko, ‘‘Di ba pwedeng may guest celebrity performer?’ ‘Yung biglang sasama ako sa event. Dream ko ‘yung makasama sa ganyan,” sabi ni Vice sa panayam sa kanya ng reporters after the opening ceremony.

“It was my gift for FEU,” sey pa niya.

Tungkol naman sa kanyang matapang na mensahe para sa mga kabataan, aniya, “I felt like it was the perfect moment to do it. Perfect audience, perfect target au­dience, perfect target listener, perfect location so I didn’t want to waste that chance since you said nga na Polsci (Political Science) student ako, kailangan bigyan natin sila ng glimpse ng ano bang pinag-aralan niya sa FEU.”

Dagdag pa niya, “I didn’t wanna waste the chance, sila ang tina-target natin ngayon na mga tao na gusto nating ma-inspire sa puwede nating sabihin at makasama sa kung anumang gusto nating gawing pagbabago sa bansa kaya ‘yung message na ‘yun swak sa kanila.”

Bianca, naospital!

Nag-worry ang fans ni Bianca de Vera matapos mag-post ang ama nito na si Mon Dimapilis kung saan ay makikitang nasa hospital ang aktres at tila sumasailalim sa treatment. “Daddy will always protect you. always. thank you everyone for the kind prayers,” ang mababasa sa caption.

Sa larawan na ipinost ni Mr. Dimapilis ay makikita ang wristband ni Bianca na nakalagay ang tunay niyang pangalan. May IV rin na nakakabit sa wrist niya.

Nag-viral din ang larawang ipinost sa Instagram ng ina ni Bianca na si Aileen Therese na natutulog ang aktres sa kanyang hospital bed. Makikita ring may mga nakakabit na IV sa braso nito at monitoring apparatus sa tabi ng kama.

Saad ng mommy ni Bianca sa caption, “thank you so much for keeping my baby in your prayers.”

Wala namang iba pang detalye silang inilabas hinggil sa pagkakasakit ni Bianca.

Alalang-alala naman ang fans ng aktres at kanya-kanya silang post ng ‘get well soon’ messages.

UAAP

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with